03/10/2025
You will never realize the importance of insurance until something happens…
Story time.
Kahapon, nakawitness ako ng sunog. Habang pinapanood ko ang apoy, nakita ko rin ang mga tao na nagmamadaling iligtas ang kanilang gamit. May ilan na halos wala nang maisalba, at masakit isipin na ang iba ay nawalan talaga ng tahanan.
Hindi natin sila masisisi, kasi sa ganitong sitwasyon, panic talaga ang nangingibabaw. Pero habang nakikita ko ‘yon, doon ko na-realize ang isang malaking bagay:
Kung napaghandaan lang nila ito, kahit papaano, hindi sana ganoon kabigat ang epekto.
Bilang isang financial advisor, mas lalo kong naunawaan ang kahalagahan ng insurance. Isipin mo na lang—kung isang tao na halos wala pang sapat na income ang mawalan ng bahay dahil sa sunog, doble-doble ang dagok. Wala na siyang matitirhan, at mahirap pa magsimula ulit dahil halos lahat ng naipundar niya ay nawala.
Ito ang masakit na realidad: kapag hindi tayo handa, mas mabigat ang pinapasan natin sa oras ng sakuna.
Nakakalungkot makita ang ganitong pangyayari. Ramdam ko ang takot, pangamba, at ang desperasyon na mailigtas pa ang kanilang bahay. Nakaka-trauma talaga. Pero kung lahat tayo ay may kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa—whether through insurance o kahit simpleng emergency fund—kahit paano, 50% ng problema ay masosolusyunan na.
Kasi isipin mo, kung may pamilya ka na, at dumating ang ganitong sitwasyon, saan ka kukuha ng pera para sa emergency rent o para makabangon ulit?
Doon ko nakita at na-realize:
You will never know the importance of having insurance until something happens.
Ikaw, paano ka naghahanda sa ganitong sitwasyon?