24/01/2026
Sa simula, ang pangunahing source ng ating income at wealth ay galing sa salary o negosyo. Habang tumatagal at tumataas ang ating kita, naglalaan tayo ng bahagi nito para mag-ipon at mag-invest upang mas mapalago ang ating yaman. Kapag nangyari ito, dalawa na ang sources ng ating wealth: active income mula sa trabaho at passive income mula sa investments.
Ang goal ng bawat isa sa atin ay darating ang panahon na hindi na natin kailangang magtrabaho. Hayaan nating ang pera ang magtrabaho para sa atin at sa ating pamilya, habang ine-enjoy natin ang bunga ng ating pinaghirapan.
Pero bago natin marating ang stage na iyon, may mga risks sa buhay na maaari nating harapin. Maaaring mamatay nang masyadong maaga, magkaroon ng critical illness, o ma-disable. Kapag nangyari ito, posibleng hindi na natin kayang masuportahan ang pangangailangan ng ating pamilya.
Sa kabilang banda, maaari rin namang umabot tayo sa retirement na may sapat o malaking ipon. Ngunit ang tanong naman ay: sapat ba ang yaman mo para suportahan ang lifestyle mo hanggang sa pagtanda? Ibig sabihin, may risk din na mabuhay nang mas matagal pero kulang na ang pera para tustusan ang mga gastusin sa retirement.
Lahat tayo ay nahaharap sa mga risks na ito, dying too soon, getting critically ill or disabled, o living too long, at bawat isa ay may kaakibat na hamon. Ang magandang balita, may solusyon na makakatulong para mabawasan ang epekto ng mga risks na ito, at ito ay ang LIFE INSURANCE POLICY.
PM me NOW to know more about LIFE INSURANCE POLICY!