25/09/2024
Kung ang main goal mo ay pang-future education or retirement funding, wag life insurance na may endowment or fund value ang kunin mo.
Mag mutual funds, uitf, stocks, MP2 or other accumulation instruments ka nalang.
Ako, personally, gusto ko ng VUL kasi tanggap ko ang dalawang possibility.
1. Pwedeng hindi ako umabot sa retirement age because of sudden death kaya gusto kong may naka-ready na instant BIG amount anytime. Dahil may fund value, possible na masmalaki pa maiwan ko for my family.
2. Papano naman kung mahaba ang buhay ko? Buti nalang, a portion of the money I put in a VUL plan is invested. Meron akong pwede ma-withdraw come retirement age.
Bakit may bias ako for VUL compared to mutual funds or other investments?
Kasi pag nangyari ang death, ang daming kailangang daanan na steps ng heirs ko para malipat ang ownership ng mga maiiwan kong assets, and investments sa kanila.
Sa VUL, kung ano mang pera ang maiwan ko, madaling makukuha ng beneficiaries ko.
Hindi ko sinasabi na masmaganda ang VUL compared to other financial instruments.
Masgusto ko siya because of the untimely death scenario.
Importante kasi na pagmag-a-avail ka ng isang financial instrument, malinaw sayo ang intention for getting it.
Ctto
Tatiana Cyrile Alvarez-Castro