08/05/2021
IWAS SCAM TIP PART 2
Familiar ka ba sa phishing scam? Marami nascam nito lalo na ngayong pandemic, talagang umatake ang mga scammers sa panahon ng tag-gipit. Madalas nilang target mga customer ng big banks like BPI and BDO.
Ito yung may mageemail sayo at magpapanggap na BPI or BDO or other banks at sasabihin sayo na dapat mo iupdate ang account mo or else idedeactivate ito at di mo na magagamit. May ilalagay silang link sa loob ng email at pag clinick mo yun sa ibang website ka talaga mapupunta at hindi sa legit na website ng bangko mo. Pag nilagay mo sa website nila ang mga personal information mo, username and password ng account mo, at OTP na itetext nila sayo, dun na nila mahahack ang account mo at sisimutin ang laman ng ipon mo na pinagpaguran mo.
Personally, maraming beses ako nakatanggap ng phishing scam email last year. Buti na lang at familiar naman ako sa mga ganitong modus at na-spot ko agad. Ganunpaman, aaminin ko na sa unang tingin talaga mukhang legit email kaya kailangan mong maging mas maingat at mapanuri.
PAANO MALALAMAN KUNG PHISHING SCAM ANG EMAIL NA NATANGGAP MO?
1.Sa subject pa lang ng email maaamoy mo na may kaduda dudang nagaganap. The email subject creates a sense of (stupid and annoying) urgency. Halimbawa: “We’re now deactivating your account if we don’t hear any actions from you!”. Yung tipong minamadali ka talaga hindi makapagantay atat na atat.
2. Check the sender’s email address. Yung gamit nila ay halatang fake.For reference, see image 2 below. Ang legit email address madalas ay ganito ang domain: halimbawa sa BPI emails '.com.ph' see image 3 for reference.
3.Yung online link na nilagay nila sa email will redirect you to a different “BPI website”. Always check the url of website. Ano yung url? Ito yung nasa taas ng browser na mayroong www. Halimbawa sa BPI, ang legit url ng online banking nila ay www.bpiexpressonline.com.
4. Simple pero importante talaga, hanapan mo ng maling grammar at punctuations yung email nila. Minsan masyadong halata kaya mapapansin mo na napaka unprofessional ng dating.
Ginamit kong halimbawa dito ang BPI only because sila yung ginagaya ng phishing scam email na nareceive ko at may account din ako sa kanila.
Hope it helps!