21/09/2026
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐫𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐈𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬?
Maraming tao ang iniisip na ang pinakamalaking gastos ay ang pagpapaospital lang. But the truth is the financial impact ng isang critical illness ay may tatlong mahalagang phase.
🏥1. 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐬𝐭
Kapag na-diagnose ng critical illness like cancer, stroke, o heart attack, maaaring umabot sa daan-daang libo hanggang milyon ang gastos sa laboratory tests, operations, chemotherapy, radiation, gamot, at hospitalization. Ang mga expenses na ito ay possible na maka-apekto sa ipon at daily na budget ng family mo.
🏥2. 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐬𝐭
Hindi natatapos ang gastos kapag natapos ang gamutan. Kailangan pa rin ng follow-up consultations, maintenance medications, rehabilitation, therapy, tamang nutrition, at iba pang medical needs. Sa panahong ito, maaari ring pansamantalang mawalan ng kita ang pasyente habang nagpapagaling.
🏥3. 𝐑𝐞𝐜𝐮𝐫𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐬𝐭
May ilang critical illnesses, like cancer, na may posibility na bumalik kahit naging successful ang unang gamutan. Kapag nangyari ito, panibagong gamutan at panibagong gastos na naman ang kakaharapin. Kaya mahalagang isama rin sa paghahanda ang possibility ng recurrence.
𝐘𝐨𝐮 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐠𝐞𝐭 𝐢𝐧𝐬𝐮𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐧𝐨𝐭 𝐭𝐨 𝐠𝐮𝐞𝐬𝐬 𝐢𝐟 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚. 𝐀𝐧𝐠 𝐠𝐨𝐚𝐥 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐛𝐮𝐫𝐝𝐞𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧.
Mas magaan ang laban kapag ang iniisip mo ay ang pag recover mo, hindi kung saan kukuha ng pambayad sa susunod na gamutan.
𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐫𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐈𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐚𝐠𝐞 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐟𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐩𝐥𝐚𝐧, 𝐟𝐞𝐞𝐥 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐨 𝐬𝐞𝐧𝐝 𝐦𝐞 𝐚 𝐦𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞.
I'm happy to share information and help you explore your options. 📩