21/01/2026
PAALALA SA MGA NEGOSYANTE NG MAYNILA
Ipinababatid sa lahat ng business owners sa Lungsod ng Maynila na ang deadline para sa filing ng application para sa renewal ng Business Permits at Licenses, gayundin ang pagbabayad ng business taxes at fees, ay pinalawig hanggang Pebrero 13, 2026, nang walang surcharge o penalty.
Ang nasabing pagpapalawig ay alinsunod sa Resolution No. 35, Series of 2026, na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila.
Inaanyayahan ang lahat ng negosyante na samantalahin ang pagkakataon upang maiwasan ang anumang multa.