08/07/2026
I saw someone asked. Ano mas maganda kunin, HMO o Insurance?
Una nung nag join ako sa FWD, gusto ko lang side hustle / extra income at the same time gusto ko rin kumuha ng insurance/HMO kasi wala ako niyan since stay at home lang ako, kala ko nga dati pareho lang yan eh. Pero habang tumatagal, kada attend ko ng trainings marami akong natututunan at dun ko mas narealize at naappreciate kung gano siya kaganda.
Nalaman ko na hindi sila magkapareho magkaiba sila ng purpose pero pareho silang maganda, so ano dapat kong piliin?
Ang HMO or yung health card na tinatawag, Ito yung magagamit natin para sa check ups, laboratory, health maintenance at confinement na diretsong magbabayad sa ospital para macover ang bill mo.
While ang Insurance is our “safety net” ikaw ang babayaran ng Insurance company sakaling magkaron ka ng malalang sakit na kadalasan hindi na sapat kung HMO lang ang meron ka. Ito rin ang sasagot sa problemang “paano pag hindi ko na kayang magtrabaho dahil may sakit na ko, paano ang pag aaral ng mga anak ko, paano ang pangkain ng pamilya ko? Paano ang treatment paglabas ko ng ospital? Paano ang mga bills na hindi naman humihinto kahit magkasakit ako o kahit mawala pa ko.”
Sa totoo lang, hindi pala kailangan mamili, mas maganda kung meron ka pareho. Bakit? Para yung mga bagay na pinagtrabahuan natin, mga naipundar at naipon natin magamit para maenjoy natin hindi para ipambayad lang sa ospital.
Alam ko gagastos parin naman sa HMO at insurance pero maliit lang yan compare sa kayang ibigay sayo kung sakaling mangyari ang di inaasahan.
Bukod pa ang peace of mind mo.
Ang susi sa financial literacy ay hindi lamang pagbuo ng mga pangarap mong bahay, lupa o sasakyan. Kasama dyan ang tamang pagpaplano, pagbuo ng emergency funds at pagprotekta sa mga bagay na mahalaga sayo. At mas mahalaga ka na nagtatrabaho para sa pamilya kaya ingatan mo ang sarili at maglaan para sa ikabubuti ng kalusugan mo.
Actually this is for some of my clients dahil alam ko ilan sa kanila wala pang HMO, kaya ako pumasok naman sa Maxicare. I want to be of help guys. 😊 and marami pa akong gustong matulungan so message niyo lang ako ☺️
PS. Di po ako namimilit 🤣
Ps. Sarili kong POV to not AI or google 😅
Let’s chat or coffee dahil bored ako sa bahay 😂 lezzzgooo