MayTrabaho

MayTrabaho para sa lahat, may pag-unlad ang bayan, may magandang kinabukasan.

Ang ay programa nina Bokal Christian Nino Lajara at Bokal Karla Adajar bilang pagkilala ng kahalagahan sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga mamamayan higit sa panahon ng pandemya. Layunin ng programa na mailapit ang mga pribadong kumpanya at pampublikong mga institusyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook bilang isa sa pinaka-epektibong channel na upang maabot ang ma

s maraming bilang ng mga Lagunense. Bukas ang sa pakikipagtulungan sa mga kumpanya at institusyon na nais maglagay ng kanilang job posting sa page. Ang rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga job seekers upang makakuha ng referral letter bilang dagdag patunay ng sinseridad sa paghahanap ng trabaho.. Naniniwala ang na mahalagang salik ang pagpapalakas ng lokal na empleyo sa pagpapa-unlad ng ating lalawigan.

05/06/2026
07/04/2026
24/03/2026

March 23,2026 | MINORITY BLOC

Karangalan ko pong maging bahagi ng Minority Bloc, isang paninindigan para sa mas matibay na talakayan at mas makabuluhang paglilingkod sa bawat Lagunense.

18/01/2026

Bilang isang babae, hindi po ako pumapayag na bastusin ng kahit na sino. Bilang isang lingkod-bayan, mandato ko ring pangalagaan at ipagtanggol ang dangal ng kababaihan.

Ang pagtawag ko po ng salitang “pangit” sa Mayor ng Calauan na si Mayor Rosslier Caratihan ay malinaw na reaksyon lamang sa pangit na asal at ginawa niya sa social media, kung saan tinawag niya kaming “bastos”—ang opisina ng Mahal na Gobernador Sol Aragones at ang inyong lingkod—na kapwa tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Ang isinagawang inspeksyon ay mandato ng opisina ng ating Mahal na Gobernador upang alamin ang tunay na dahilan ng pagbaha at makapaglatag ng agarang solusyon. Hindi po sapat na isisi sa kakulangan ng koordinasyon ang usaping ito, sapagkat malinaw na ipinapatawag ng Gobernador ang lahat ng alkalde upang talakayin at tugunan ang mga problema sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa huli, ang ginawang pag-atake at pananalita ng Mayor ng Calauan sa social media ay hindi lamang nagbubukas ng maraming katanungan, kundi nag-iiwan din ng masamang halimbawa at pangmatagalang bakas sa isipan ng kabataang nakakasaksi nito.

Bilang isang babae, hinding-hindi po ako papayag na bastusin ako, at lalong hindi ako papayag na bastusin ang sinumang babae—kanino man at saan man.

Address

Office Of Board Member Christian Nino LajaraNew Legislative Building, Provincial Capitol Compound, Sta. Cruz Laguna
Quezon City

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MayTrabaho posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MayTrabaho:

Shortcuts

Share