12/07/2026
Sales Alone Won't Save Your Business
Maraming Pinoy business owners ang umaasa na balang araw yayaman sila basta dumami lang ang customers.
Kaya hataw sa pababaan ng presyo, thinking na kapag sila ang may pinakamurang offer, siguradong lalaki ang negosyo.
Ang hindi nila napapansin, posible palang tumataas ang sales habang unti-unting nalulugi ang negosyo.
Kapag sobrang liit ng margin mo, bawat benta ay kaunti lang ang naiiwan para pambayad sa renta, sweldo, utilities, marketing, spoilage, at iba pang operating expenses.
Dahil sales at customer count lang ang tinitingnan, iisipin mong nasa tamang direksyon ka.
Kaya kapag kinapos sa cash, uutang ka muna para maitawid ang operasyon, umaasang mababawi mo rin lahat kapag mas dumami pa ang customers.
Pero hindi lahat ng problema nasosolusyunan ng mas maraming sales.
Kung mali ang pricing, mahina ang margins, o hindi sustainable ang business model mo, mas maraming benta ang maaari pang magpalaki ng problema kaysa mag-ayos nito.
At kapag dumating ang araw na ma-realize mong mali pala talaga ang direksyong tinahak mo, baka lubog ka na sa utang at wala nang ibang pagpipilian kundi magsara.
At yung mga "loyal" customers na ipinaglaban mo?
Karamihan sa kanila ay lilipat lang din sa susunod na pinakamurang option.
Hindi hihinto ang mga buhay nila kahit magsara ka.
Kaya hindi pwedeng tutok ka lang sa sales.
Bantayan mo rin kung magkano talaga ang naiiwan sa bawat benta.
May kasabihan nga sa business na:
"Revenue is vanity, profit is sanity, cash is reality."