18/07/2026
Pangarap mo bang magnegosyo sa New Zealand pero hindi mo alam kung saan magsisimula? O baka gusto mong bumili ng existing business pero hindi mo alam ang tamang proseso?
Tara at samahan kami sa isang FREE Business Seminar kung saan tatalakayin namin ang mga mahahalagang hakbang bago ka mag-invest sa isang negosyo.
Matututunan mo:
• Paano magsimula ng negosyo sa New Zealand
• Ano ang dapat suriin bago bumili ng existing business
• Mga legal requirements at tamang business structure
• Tax, GST, at accounting basics para sa mga business owners
• Paano pondohan ang negosyo at kumuha ng business loan
• Marketing strategies para mapalago ang iyong negosyo
• Mga karaniwang pagkakamali at paano ito maiiwasan
Guest Speakers:
• Nicole Macaballug – Partner, Saunders & Co Lawyers (Legal)
• Cristina Canard – Managing Director, Apex Accountancy Ltd (Accounting & Tax)
• Plivia Alaba – Business Director, BusinessPH (Marketing)
📅 Date: Sunday, 19 July 2026
🕐 Time: 1:00 PM – 3:00 PM
📍 Venue: Queenstown Events Centre, Function Room
Libre ang seminar at may light lunch na rin.
Kung ikaw ay OFW, empleyado, o nagbabalak maging entrepreneur sa New Zealand, ang seminar na ito ay para sa iyo.
Mag-aral. Magtanong. Magplano. Simulan ang iyong business journey nang tama.