24/07/2026
BIR Abatement Program
SINO AT ANO ANG QUALIFIED?
β’ Micro Taxpayer Classification: Ang pagiging Micro Taxpayer ay nakabase sa tala ng BIR (IRIS-TRS) noong December 31, 2025. Maaari itong i-verify sa BIR ORUS o sa kinauukulang RDO.
β’ Kwalipikadong Utang sa Buwis: Covered ang mga utang na umiiral na bago o noong December 31, 2025.
β’ Maximum Limit Threshold:
o Ang kabuuang utang na Basic Tax at Compromise Penalties ay hindi dapat lumagpas sa β±80,000.00 bawat taxable year.
o Ang Surcharge at Interest ay hindi kasama sa pagkwenta ng β±80,000 threshold. Subalit kung ma-approve ang abatement ng basic tax, mabubura na rin pati ang kaugnay nitong surcharge at interes.
β’ One-Time Transactions & Mixed Income: Kasama ang mga transaksyon tulad ng benta ng lupa/shares o donor's tax, pati na rin ang mga kumikita mula sa compensation + businessβbasta't pasok sa β±80,000 limit kada taxable year.
MGA KAILANGANG REQUIREMENTS AT BAYARIN
1. Abatement Fee: May bayad na β±5,000.00 gamit ang BIR Form No. 0605 (Tax Type Code: MA; ATC Code: MC350 para sa indibidwal, MC351 para sa non-individual).
2. Mga Dokumento (BIR Form No. 2121):
β’ Tatlong (3) kopya ng accomplished BIR Form 2121.
β’ Valid Government ID ng taxpayer o kinatawan.
β’ Notarized SPA / Board Resolution / Secretary's Certificate (kung may representative).
β’ Certificate of Existence of Outstanding Tax Liability/ies (CEOTL) mula sa BIR.
β’ Kopya ng Assessment Notices (PAN, FAN, FLD, FDDA), kung mayroon.
PROSESO NG PAG-APPLY AT PAGBAYAD
β’ Saan Isusumite: Manwal na isusumite sa RDO kung saan nakarehistro ang Micro Taxpayer (o Head Office para sa may mga branch).
β’ Pagbabayad ng Fee: Babayaran ang β±5,000 fee sa loob ng limang (5) working days pagka-file ng aplikasyon.
β’ Pagsumite ng Proof of Payment: Kailangang mai-submit ang katibayan ng pagbabayad sa RDO sa loob ng limang (5) working days pagkabayad.
β’ Deadline: Kailangang mai-file ang aplikasyon sa o bago ang December 31, 2026.
MAHALAGANG PAALALA AT PROTEKSYON
β’ Suspendido ang Collection Enforcement: Kapag naisumite nang kumpleto ang aplikasyon, isususpinde ang paniningil o warrants habang pinoproseso ito.
β’ Walang Audit / Investigation: Ang pag-apply ay hindi magiging dahilan para i-audit o imbestigahan ang taxpayer ng BIR.
β’ Walang Refund / Tax Credit: Ang mga naibayad na sa buwis bago ang Dec 31, 2025 ay ibabawas sa utang ngunit hindi na pwedeng i-refund o maging tax credit.
β’ Open Cases / Unfiled Returns: Hindi kailangang mag-file ng mga nakaraang unfiled returns para lang maisara ang open cases, basta't qualified at walang natitirang utang sa basic tax.
β’ Certificate of Availment: Isusulat at iisyu sa loob ng limang (5) working days matapos matanggap ang proof of payment, at ito ang gagamitin upang tuluyang ibura ang utang sa BIR.