UP LAKAN Baguio

Directions Website Contact the business

UP LAKAN Baguio Samahan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio na nagmula sa lalawigan ng Bulacan

Chapter Founder: Isaac Ern Galang

Set of Officers for the school year 2022-2023

Chairperson: Ivan Pangan
Vice President for Internal Affairs: Franchesca Ortega
Vice President for External Affairs: Mary Catherine Espejo
Secretary General: Crisitine John Jamon
Finance Committee Head: Jasmine Margarette Estrella
Academic Committee Head: Lauriane Rose Carpio
Publicity Committee Head: Bea Christia Tolentino
Special Projects, Events and Culture Committee Head: China Gem Santos

MALIGAYANG KAARAWAN, RESE! ๐ŸฅณIsang masining na pagbati na maligayang kaarawan para sa pinakamasipag, maasahan, at walang ...
23/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, RESE! ๐Ÿฅณ

Isang masining na pagbati na maligayang kaarawan para sa pinakamasipag, maasahan, at walang katulad na ๐”“๐”ž๐”ซ๐”ค๐”ฒ๐”ฉ๐”ฌ ๐”ซ๐”ค ๐”๐”ฒ๐”ญ๐”ฌ๐”ซ ๐”ซ๐”ค ๐”“๐”ฒ๐”Ÿ๐”ฉ๐”ฆ๐”ฐ๐”ฆ๐”ก๐”ž๐”ก ng UP LAKAN Baguio!

Hinahangaan namin ang iyong ๐“ญ๐“ฎ๐“ญ๐“ฒ๐“ด๐“ช๐“ผ๐”‚๐“ธ๐“ท ๐“ช๐“ฝ ๐”€๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ผ๐“ช๐”€๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“น๐“ช๐“ด๐“ฒ๐“ด๐“ฒ๐“ซ๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ฐ๐“ฒ sa mga aktibidad na inilulunsad ng samahan. Lubos ang aming pasasalamat sa paggamit mo ng iyong talento sa sining para mas lumitaw ang angking โœจ ๐ค๐š๐ซ๐ข๐ค๐ญ๐š๐ง โœจ ng ating samahan.

Hangad namin ang kasiyahan para sa iyo, hindi lamang ngayon kundi sa araw-araw ng iyong buhay.

We love you! ๐Ÿ’š

MALIGAYANG KAARAWAN, TYRONE! ๐ŸฅณNawa'y ipagpatuloy mo lang ang husay at kasikhayan sa araw-araw! Enjoy your dayyy, Tyronee...
20/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, TYRONE! ๐Ÿฅณ

Nawa'y ipagpatuloy mo lang ang husay at kasikhayan sa araw-araw! Enjoy your dayyy, Tyronee!

We love you! ๐Ÿ’š

[๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐Š๐€๐: ๐ƒ๐€๐‹๐”๐Œ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐€๐’] ๐„๐๐“๐‘๐˜ ๐๐Ž. 3: ๐†๐จ๐’๐”๐‘๐… Sa gitna ng mga kanselasyon ng klase at paglipat sa online distance lea...
17/10/2026

[๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐Š๐€๐: ๐ƒ๐€๐‹๐”๐Œ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐€๐’] ๐„๐๐“๐‘๐˜ ๐๐Ž. 3: ๐†๐จ๐’๐”๐‘๐…

Sa gitna ng mga kanselasyon ng klase at paglipat sa online distance learning, paano nakasasabay ang mga walang sapat na pantustos? Sa sistemang ito, hindi na lang talino at sipag ang puhunan, kailangan mo rin ng pera para lang magkaroon ng karapatang matuto.

Isa lang ito sa mga kuwentong babagabag at mumulat sa atin.

Abangan ang buong kwento at tutukan ang iba pang mga boses at realidad ng mamamayang Bulakenyo sa gitna ng kalamidad sa LATHALAKAN: Dalum at Hibas.


MALIGAYANG KAARAWAN, ANEIKEN! ๐ŸฅณSalamat sa saya mong dala sa samahang itwoah mama ๐Ÿซถ Sana ay patuloy ka pa naming makasama...
16/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, ANEIKEN! ๐Ÿฅณ

Salamat sa saya mong dala sa samahang itwoah mama ๐Ÿซถ Sana ay patuloy ka pa naming makasama sa mga ganaps! Enjoy your daaaaay!

We love you! ๐Ÿ’š

MALIGAYANG KAARAWAN, BEI! ๐ŸฅณKawangis ng buwan ang ngiti mo at sing kinang ng tala ang buo mong pagkatao.We love you! ๐Ÿ’š
15/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, BEI! ๐Ÿฅณ

Kawangis ng buwan ang ngiti mo at sing kinang ng tala ang buo mong pagkatao.

We love you! ๐Ÿ’š

๐‡๐”๐Œ๐€๐ ๐ˆ๐’ ๐ƒ๐€! ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐€!Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa mga nagdaang Mass Orientation ng UP LAKAN Baguio ...
09/10/2026

๐‡๐”๐Œ๐€๐ ๐ˆ๐’ ๐ƒ๐€! ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐€!

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa mga nagdaang Mass Orientation ng UP LAKAN Baguio noong September 17-18 at 25 ๐Ÿ’š

Nananabik na kaming makasama kayo sa ating lumalaking pamilya!

Taas-noo, Bulakenyo!

๐™†๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ข๐™ค'๐™ฎ ๐™ ๐™ช๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ-๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ก๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–...Ikaw? Saan k...
27/09/2026

๐™†๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ข๐™ค'๐™ฎ ๐™ ๐™ช๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ
๐™–๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ-๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ก๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–...

Ikaw? Saan ka ba natatakot?
Anong kuwento mo ang na nakakapanindig balahibo?

๐ˆ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐š '๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐ง๐  ๐‹๐€๐Š๐€๐๐“๐€๐Š๐”๐“๐€๐!

Layunin ng proyektong itong mabigyan ng boses ang mga naratibo ng Bulakenyo. Bilang paggunita sa buwan ng katatakutan, nais naming itampok ang isang katangi-tanging istoryang nagpakilabot at magpapakilabot sa atin. Maaari kayong mag sumite ng mga sumusunod na klaseng kwento:

- Pamahiin
- Kuwentong Bayan
- Sariling Karanasan: Trahedya, Kalamidad, at iba pa

Hindi na kami makapaghintay na matakot, Bulakenyo! Malay mo, kuwento mo ang magmumulto ngayong buwan ng katatakutan.

Ipadala ang iyong istorya sa link na ito:

https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19
https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19
https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19


๐€๐ง๐  "๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ" (๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ญ "๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ" (๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐›๐จ๐ค ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ก๐จ๐ง.Upang mabi...
27/09/2026

๐€๐ง๐  "๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ" (๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ญ "๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ" (๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐›๐จ๐ค ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ก๐จ๐ง.

Upang mabigyang-pansin ang mga tunay na danas ng mga Bulakenyo sa gitna ng unos, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐  ๐”๐ ๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐๐š๐ ๐ฎ๐ข๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐ง๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ง๐  โ€œ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ญ ๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ.โ€

Ito ay isang community-centered zine project na naglalayong magbigay ng espasyo para sa mga karanasan at kuwento sa panahon ng bagyo at baha na siyang danas din ng masa. Gayundin, layunin nitong palakasin ang kamalayan ng komunidad ng UP Baguio hinggil sa totoong kalagayan ng mga rehiyonal na komunidad pagkatapos ng unos.

Abangan ang mga ilalabas na piraso ng zine sa mga susunod na linggo.


HINDI KA BA NAKAPUNTA NOONG MASS ORYE LAST WEEK?Donโ€™t worry, pwedeng pwede pa humabol!Invited ka sa UP LAKAN Baguio Spec...
23/09/2026

HINDI KA BA NAKAPUNTA NOONG MASS ORYE LAST WEEK?

Donโ€™t worry, pwedeng pwede pa humabol!

Invited ka sa UP LAKAN Baguio Special Mass Orientation! ๐Ÿ’š

Whether youโ€™re a certified Bulakenyo, a โ€œfrom Bulacan pero hindi marunong mag-Bulacan accentโ€ Bulakenyo, or someone who just wants to meet fellow UP Baguio students na pareho ring galing sa ating beloved land of hot weatherโ€”

this oneโ€™s for you.

Alamin at kilalanin:
โœจ Ano nga ba UP LAKAN Baguio
โœจ Paano sumali
โœจ Sino ang mga kababayan mo rito
โœจ At kung paano ka magmakapamilya rito ๐Ÿฅน

๐Ÿ“… September 25, 2026
โฐ 6:00 PM
๐Ÿ“ Google Meet

Because surviving UP Baguio is already hard enough, might as well do it with your fellow Bulakenyos. ๐Ÿ˜ญ

MAGREGISTER NA SA LINK NA ITO:

https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9

See you there, mga kababayan! ๐Ÿซถ

54 ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ข๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ค๐ž๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ .Mula Bulacan hanggang...
21/09/2026

54 ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ข๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ค๐ž๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ .

Mula Bulacan hanggang Baguio, dala natin ang alaala ng mga kabataang piniling kumilos sa harap ng takot at panunupil. Sa paggunita ng Batas Militar, inaalala natin hindi lamang ang isang madilim na kabanata ng kasaysayan, kundi ang mga taong naging bahagi ng paglaban para sa kalayaan, katarungan, at karapatan ng mga Pilipino.

Kabilang dito ang Bulacan Martyrs of 1982โ€”sina Danilo Aguirre, Edwin Borlongan, Teresita Llorente, Renato Manimbo, at Constantino Medina. Mga kabataang nagboluntaryong tumulong mag-organisa ng Bulacan chapter ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) at nakipamuhay sa mga komunidad upang tulungan ang mga magsasaka na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Hindi sila mga pangalan lamang sa isang pahina ng kasaysayan.

Si Danilo ay mula Meycauayan. Si Edwin ay mula Malolos. Si Teresita ay mula Meycauayan. Si Constantino ay mula Hagonoy. Si Renato ay nanirahan at naging aktibo sa San Ildefonso. Mga kabataan silang nanggaling sa ating mga bayanโ€”mga taong may pamilya, pangarap, at buhay na dapat sana'y ipinagpatuloy.

At ang kanilang pagkamatay ay hindi natapos sa kanilang paglilibing.

Sa halip, naiwan ang mga tanong. Naiwan ang dalamhati. Naiwan ang panawagan para sa pananagutan.

Ayon sa Bantayog ng mga Bayani, hindi nakilalang naimbestigahan o naparusahan ang mga responsable sa kanilang pagkamatay.

Ngayon, 54 taon matapos ideklara ang Batas Militar, isang Marcos ang muling nakaupo sa Malacaรฑang.

Hindi natin kailangang baguhin ang nakaraan para maalala ito. Hindi natin kailangang patahimikin ang mga kuwento upang maging komportable ang kasalukuyan.

Dahil ang kasaysayan ay hindi lamang nakasulat sa mga libro. Nakaukit ito sa mga bayan, sa mga sementeryo, sa mga pamilyang naiwan, at sa alaala ng isang henerasyong tumangging manahimik.

Alalahanin sina Danilo, Edwin, Teresita, Renato, at Constantino.

Hindi burado. Hindi nakalimutan. Hindi dapat makalimutan.

Never Again. Never Forget.




Address

Baguio City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP LAKAN Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to UP LAKAN Baguio:

Shortcuts

Share