26/05/2026
๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฎ๐ญ:
โ๐๐ฒ๐น๐น๐ผ, ๐๐๐ฅ! ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ-๐ถ๐๐ฒ๐บ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฑ๐ฒ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ. ๐ฌ๐๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐ฝ๐ผ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ฟ๐ฎ. ๐ฃ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ ๐ฝ๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ฎ-๐ฝ๐ต๐ผ๐๐ผ๐ฐ๐ผ๐ฝ๐ ๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ-๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ถ๐น๐ฒ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ผ๐ฐ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐?โ
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป:
Oo, pwedeng-pwede mong ipa-photocopy at i-compile ang mga resibo.
Ayon sa Section 34(A)(1)(b) ng Tax Code, kapag Itemized Deductions ang pinili mo, bawat gastos na ibabawas sa iyong kita ay dapat may katumbas na sapat na patunay o substantiation (tulad ng rehistradong Sales Invoice o resibo). Dahil madaling mabura ang mga resibong naka-thermal paper mula sa POS machines, ang pag-photocopy sa mga ito ay isang mainam na paraan para hindi mawala ang detalye.
Upang ma-preserve ang iyong mga dokumento sa oras ng audit o pagsusuri ng BIR, sundin ang mga tamang paraan ng pagtatabi nito:
1. ๐๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ถ๐น๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐ถ๐ฝ๐๐
โข ๐-๐๐ฉ๐ฉ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐จ๐ ๐๐๐ค๐ฉ๐ค๐๐ค๐ฅ๐ฎ
Huwag itatapon ang original na thermal receipt kahit malabo na ito. Gamitin ang stapler o tape para idikit ang original na thermal receipt sa mismong bond paper kung saan ito ipinoto-kopy (photocopy). Ito ang patunay na hindi peke ang kopya.
โข ๐๐ช๐ข๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐ช๐๐๐๐ง ๐๐ฎ๐จ๐ฉ๐๐ข
I-compile ang mga resibo kada buwan o kada kategorya ng gastos (hal. Utilities, Office Supplies, Travel).
โข ๐๐จ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฉ๐๐ก๐ฎ๐
Bago pa man kumupas ang thermal paper, isulat na sa tabi ng photocopy ang Pangalan ng Supplier, Petsa, TIN, at Kabuuang Halaga (Amount) para kung mabura man ng tuluyan, may mabilis kang basehan.
2. ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐น (๐-๐๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐-๐๐ฎ๐๐ฒ)
โข Maliban sa photocopy, mariing iminumungkahi na i-scan o kuhanan ng litrato ang mga resibo. I-save ang mga ito bilang PDF o JPEG sa iyong computer, external drive, o cloud storage (gaya ng Google Drive).
** Maaari mong i-scan ang mga resibo bilang dagdag na proteksyon, ngunit hindi ito pwedeng maging "tanging" batayan ng deduction kung nawawala o itatapon ang orihinal na hard copy.
3. ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฟ๐ฒ๐พ๐๐ฒ๐๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ป๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ
Sa ilalim din ng RR No. 16-2018, kung malaki ang halaga ng transaksyon at kailangan mo ito para sa tax deduction, may karapatan kang isauli ang thermal tape receipt sa nagbenta at hilingan sila na palitan ito ng manual Sales Invoice.
Sources:
RMC No. 81-2025: Reiterates the criteria and guidelines on the deductibility of ordinary and necessary expenses under Section 34(a)(1)(a) of the National Internal Revenue Code of 1997, as amended.
https://bir-cdn.bir.gov.ph/BIR/pdf/RMC%20No.%2081-2025.pdf
RR 16-2018: Amends Revenue Regulations (RR) No. 10-2015, as amended by RR Nos. 12-2015, 14-2015 and 6-2016 on the use of non-thermal paper for all Cash Register Machines (CRMs)/Point-of-Sales (POS) machines and other invoice/receipt generating machine/software.
https://bir-cdn.bir.gov.ph/local/pdf/RR%20No.%2016-2018.pdf