09/05/2026
Ang mahal pala ng babayaran sa housing loan… doble?!
Ito yung madalas na unang reaction ng mga first time buyers kapag cinompute nila yung monthly amortization × 20 to 30 years.
Minsan umaabot pa sa point na iniisip nila:
‘Parang lugi naman.’
‘Hanggang senior na ba ako magbabayad?’
‘Hindi ko yata kaya ‘to.’
Pero ang totoo…
Maraming buyers ang hindi pa talaga alam kung paano gumagana ang housing loan.
Normal lang na mas mataas yung total payment over time dahil pinapahiram ka ng bangko o Pag-IBIG ng malaking amount kahit wala ka pang pang straight cash.
At eto yung hindi alam ng karamihan:
Hindi porket 30 years yung loan term mo,
30 years ka na agad magbabayad.
Maraming strategic buyers ang kinukuha yung mas mahabang loan term para mababa yung monthly amortization nila.
Then kapag may extra income, bonus, incentives, commissions, or ipon…
doon sila nag-aadvance payment applied to principal.
Resulta?
✔️ Mas mabilis matapos yung loan
✔️ Mas malaking tipid sa total interest
✔️ Mas manageable yung monthly budget
Kaya bago ka matakot sa total computation ng housing loan…
Tanungin mo rin sarili mo:
Kung wala kang housing loan,
kaya mo bang bumili ng bahay na worth millions in straight cash?
Kasi para sa maraming Pilipino,
housing loan ang naging tulay nila para magkaroon ng sariling bahay habang unti-unti nilang binubuo yung future nila.
At habang nag-iisip ka kung ‘worth it’ ba…
Tandaan mo:
ang presyo ng lupa at bahay,
hindi naghihintay.
Every year, tumataas ang value.
At minsan, yung bahay na afford mo ngayon…
hindi mo na afford next year.
Kaya piliin mong mabuti kung saan ka sasabay:
sa pagtaas ng value ng lupa,
o sa pagtaas ng regret dahil naghintay ka nang matagal.
CTTO