02/09/2026
“Dito sa Pilipinas,
bago ka pa makapagsimula
ng negosyo,
ubos na agad
ang puhunan mo
sa mga permits pa lang.”
Nabasa ko ito sa online.
Isipin mo...
Nag-ipon ka para
makapagsimula ng negosyo.
Nagplano ka.
Naghanap ng produkto.
Naghanap ng customers.
Pero bago ka
pa man kumita,
may kailangan ka
nang bayaran.
Registration.
Permits.
Clearances.
Fees.
At iba pang
requirements bago
makapag-operate.
Para sa malaking kumpanya,
baka manageable lang
ang mga gastusing ito.
May budget.
May legal team.
May accounting department.
Pero para sa
micro business owner?
Bawat piso mahalaga.
Yung perang ginastos
sa permits,
sana puhunan na
para sa inventory.
Sana pambili ng
equipment.
Sana pambayad ng
unang buwan na renta.
Kaya ang tanong:
“Kung gusto nating
hikayatin ang mga
Pilipino na magnegosyo,
bakit parang ang
unang challenge ay
kung paano makakalusot
sa dami ng
requirements?”
Hindi naman ibig sabihin
na tanggalin lahat
ng permits at regulations.
May dahilan ang
business registration,
safety requirements,
at government regulations.
Pero dapat simple,
affordable,
at proportional sa
laki ng negosyo.
Lalo na sa
mga nagsisimula pa lang.
Kasi ang permit
ay dapat proteksyon
at paraan para
maging legal ang
negosyo—
hindi dapat maging
hadlang para
makapagsimula ito.
Kung gusto nating
dumami ang MSMEs,
bigyan natin sila
ng pagkakataong gamitin
ang maliit nilang
puhunan para
palaguin ang negosyo,
hindi ubusin ito
bago pa man
makapagbukas.
“Make it easier
to start a business,
so entrepreneurs can
focus on building it.”
P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.