Matthew Alamar

Matthew Alamar I bring clarity in personal finance.
2021 Health Protection Champion
Free session: bit.ly/LetsPrepare

MIA for a year dahil naging tatay.Sharing a personal project I’ve been working on sa season na ‘to. ☺️
26/07/2026

MIA for a year dahil naging tatay.
Sharing a personal project I’ve been working on sa season na ‘to. ☺️

I've been quietly working on a personal project for the past few months.

It's called Father Figures.

A way to leave my son, Armo, something more than photos, videos, and Magic cards. 😂

A collection of conversations na pwede niyang balikan balang araw.

Through these recorded letters, I hope na madiscover niya yung mga tanong na pinag-isipan ko.

Mga bagay na pinaniniwalaan ko.
Mga paniniwalang binago ko.
At mga bagay na fini-figure out ko pa rin habang lumalaki siya.

Habang ginagawa ko ito, naisip ko rin na baka may iba ring makahanap ng value sa mga conversations na ito.

Kaya I put it in a podcast format to share with people who have the same questions.

So ayun, sasabayan ko lang siyang lumaki, sana samahan niyo rin kami. 🙌

Pepepepem!!!Sino ka sa KoolPals based sa Financial Style mo?Mas Mamu James ka bang Security First?O mala Godfather GB na...
14/10/2025

Pepepepem!!!
Sino ka sa KoolPals based sa Financial Style mo?

Mas Mamu James ka bang Security First?
O mala Godfather GB na Sulit King?

‘Di ko inakalang mapagsasama ko ang pagiging financial planner at The KoolPals fan, pero after 885 eps, eto na tayo! 🤣

Salamat sa basbas at permiso na bumuo ng archetypes mula sa comedy personalities ninyo:
GB Labrador
James Caraan
Nonong Ballinan
Reyes
Ryan Rems

DISCLAIMER: Ang mga financial style na to ay mga common na tendencies ng mga tao with regards sa pera at inilapat ko lang sa mga personality at mga salitang napapakinggan ko mula sa mga hosts ng show. This doesn’t necessarily reflect na ito na mismo sila sa totoong buhay.

Kung bubuo ka ng personal mong "hierarchy of investments" mala Maslow, paano mo bubuuin ito?Alin ang "must haves"? Alin ...
02/10/2025

Kung bubuo ka ng personal mong "hierarchy of investments" mala Maslow, paano mo bubuuin ito?

Alin ang "must haves"? Alin ang mga pang later stages?
Game!

Ano sa tingin mo ang pinaka mahal na bayarin sa cart na ‘to?Karne?Bigas?Canned goods?Actually wala sa mga yan.Dahil ang ...
13/09/2025

Ano sa tingin mo ang pinaka mahal na bayarin sa cart na ‘to?

Karne?
Bigas?
Canned goods?

Actually wala sa mga yan.

Dahil ang tunay na mabigat sa bulsa ay KATIWALIAN o CORRUPTION.

At hindi lang sa mga cart natin nagpapabigat 'to kundi pati sa lahat ng ibang bilihin natin.

Kasi kahit gaano ka kaingat sa pera, kahit magaling ka mag-budget, kahit consistent ka mag-ipon… lugi ka pa rin.

Dahil sa bawat sweldo, bawat grocery, bawat bill, may dagdag bayad na hindi nakasulat: ang tax na binabayad dahil sa katiwalian.

Imagine niyo, dapat isang bayad lang ang binibigay natin eh, kaso dahil sa overpriced na proyekto, nakaw sa pondo, at palpak na serbisyo, doble o triple ang binabayaran mo para sa parehong bagay.

🏥 Yung health services na makukuha na sana natin ng libre, biglang kulang sa pondo. Sino ang magbabayad out of pocket? Tayo.

📚 Yung eskwelahang dapat may libro at upuan, pero walang budget daw. Sino magbabayad ng tuition sa private school? Tayo.

🚧 Yung mga kalsada na maayos sana at mga bayan na hindi dapat babahain, ayun durog durog at lubog sa tubig ulan. Sinong magpapa repair at bibili ng bagong gamit? Tayo.

🛒 At kahit ang groceries, hindi nakaligtas. Kasi kung hindi ninanakaw ang pondo para sa irrigation, agriculture, transportation, mas mura dapat ang bigas, gulay, karne, at iba pang groceries natin.

Lahat ng yan dahil sa katiwalian, doble o tripleng patong ang kailangan nating ilabas para lang mapunan yun.

Madalas may magpapayo satin: "Wag mo na isipin ang politics, focus ka lang sa sarili mo."

Kaso ang masakit dun ay kahit hindi ka interesado sa pulitika, malaking impact parin ang pulitika sa itatakbo ng finances mo.

Kaya wag nating isipin na sapat na yung personal financial habits lang.

Oo, mahalaga mag-ipon, mag-invest, at kumuha ng insurance, pero hihigupin din lahat yan ng bulok na sistema.

Personal finance is not just personal, it's also political.

Kung nagbabayad ka ng tama, may karapatan ka ring humingi ng tama.

Kung marunong ka mag-demand ng resibo sa tindahan, dapat marunong ka ring mag-demand ng resibo sa gobyerno.

Demand accountability. Pera mo rin ang ginagamit ng mga 'yan.

Isipin mo yung kalahating cart natin ng grocery magiging doble yung laman. Diba ang saya nun?

Kaso kung hahayaan nating lamunin ng korapsyon ang pinaghirapan natin, habang buhay tayong lugi.

Grabe 3 years ago na pala itong cinonduct ko na talk sa Mindanao!Sobrang memorable experience dahil it was the first tim...
16/07/2025

Grabe 3 years ago na pala itong cinonduct ko na talk sa Mindanao!

Sobrang memorable experience dahil it was the first time na may nagpalipad sakin to conduct a face-to-face talk for their group.

Yung kahit maliit na event lang naman pero sa treatment nila pakiramdam ko para akong mag TED Talk, which in turn sinuklian ko rin naman ng pagiging all out sa preparation and sa mismong talk.

Marami mang sumunod, iba rin talaga ma reminisce yung first time. 🧡

Looking forward to do more of these talks pa! If you need a speaker for your group or company, pag usapan natin yan. ☺️

Pansin niyo ba? Daming nagtuturo kung ano ang dapat gawin niyo sa pera.Dapat ganto.Dapat ganyan.Pero gagana lang naman y...
30/04/2025

Pansin niyo ba? Daming nagtuturo kung ano ang dapat gawin niyo sa pera.

Dapat ganto.
Dapat ganyan.

Pero gagana lang naman yan kung parehas tayo lahat ng sitwasyon.

At dahil madalas naman ay hindi tayo parehas, eto lang ang dapat na gawin:

Tignan mo muna kung tugma sayo, dun mo malalaman kung “dapat” nga ba silang sundin.

Madalas akong tinatanong, “Bakit andali sayo kumalma kahit stressful na yung sitwasyon?”Isa lang sagot ko dyan, kung nas...
23/04/2025

Madalas akong tinatanong, “Bakit andali sayo kumalma kahit stressful na yung sitwasyon?”

Isa lang sagot ko dyan, kung nasurvive mo na yung pressure ng nanay ko, kaya mo na kahit saan. HAHAHA

De biro lang. Sa totoo lang malaki ang pasasalamat ko na early in life, naturuan na kami mag handle ng moments of panic.

Mula sa anong gagawin pag naligaw o naiwan sa isang lugar, anong unang ililikas pag may sunog, at kahit sa mas simple pang mga bagay, na orient kami.

Kase di maiiwasan yan eh, dadating at dadating ang mga moments na high stakes at high pressure. At sa mga ganung pagkakataon, the sooner na maka kalma ka at makapag isip ng diretso, mas malaking chance na masolusyonan at di sumablay ang resulta.

Siyempre kagaya ng halos lahat ng aral sa buhay, naprocess ko nalang ang mga to after time has passed. Solid lang na mabalikan at ma appreciate, salamat ma. 🫰🏼

Isa lang din yan sa maraming napagkuwentuhan namin ni Harry dito sa pangatlong episode ng podcast. Saya lang magbalik tanaw sa mga karanasan habang nag eextract ng mga pwedeng matutunan.

Kung trip niyong mapakinggan itong ep tungkol sa paghahandle ng panic at stressful situations, lagay ko yung link sa comment. 👇🏻

A good question to ask: (from LinkedIn)Should these financial institutions who supposedly “promote” good financial habit...
11/03/2025

A good question to ask: (from LinkedIn)
Should these financial institutions who supposedly “promote” good financial habits also become gateways of gambling?

What approach will be a step towards a better direction para sa mga ito?

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mong sisihin yung kape...wala sakanya yung wallet mo.Masakit man marinig pero mins...
03/02/2025

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mong sisihin yung kape...
wala sakanya yung wallet mo.

Masakit man marinig pero minsan kailangan na talaga rektahin eh, parang yung nagpa financial consult sa akin nung isang araw.

Malaki ang kita pero walang ipon, at ang sinisisi? Mahal daw ang kape. Pero nung pinag-usapan namin, lumabas ang totoong kalaban niya: Sarili niya.

Sarili niya na naniniwalang marami pa siyang oras sa future para mag-ipon. Kaya kahit may kapasidad, wala siyang effort—ni savings account nga na hiwalay, tinatamad siyang mag bukas.

Limang beses din daw siyang nag-out of the country last year, kaya napatanong siya kung masama ba yun. Sabi ko, hindi.

Pero ang masama yung patuloy niyang panloloko sa sarili na powerless siya sa sitwasyon niya, na ang kumokontrol sa pag gastos niya ay yung mga bagay na voluntary naman niyang ginagastusan.

This just goes to show na kahit na may opportunity to save, minsan 'di lang talaga priority.

Sobrang ironic pa dahil nung nireview namin ang income sources ng freelancer na'to, eh kumita at nakatipid na siya dahil sa kape:

✔️ Karamihan ng closed deals niya, sa coffee shop nangyari.
✔️ Mas maayos siyang nakakapagtrabaho kumpara sa bahay nilang sampu silang siksikan.
✔️ Tipid sa kuryente at data—salamat sa free WiFi at aircon.
✔️ Nakakuha pa siya ng client na coffee shop owner.

In the end, na-realize niyang hindi kape ang problema, kundi kawalan ng aksyon at commitment sa part niya.

At kaninang umaga ay nag-update siya with good news—sa wakas, nagbukas na ng savings account. 🤣

Kaya para sa'yo na nagbabasa sana tandaan mo:

Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mo munang sisihin yung kape o ano pa mang bagay... ikaw ang nagbubukas ng wallet mo.

--
P.S.
Bukas ang inbox ko kung kailangan mo ng kakampi sa pagpaplano ng finances mo. Alam kong mahirap kalabanin ang sarili mo. 😉

Address

Kawit
Cavite
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matthew Alamar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Matthew Alamar:

Shortcuts

Share