28/03/2021
Why Do I Get My Kaiser Ultimate Health Builder Plan? Eto lang naman ang tatlong realization ko: πͺπ€π¨βπ©βπ§βπ§π
1) Kelangan ko ang long-term care. Imagine ang tagal kong nagtrabaho sa isang kumpanya, nakampante ako sa benepisyo kong short-term care HMO. Nang magresign ako doon ko narealize goodbye na rin sa short-term care ko at lagi kong pinagdarasal βLord wag sana akong magkakasakit, at paubos na ang ipon ko.β Paano kung bigla akong maospital sa aking pagtanda, -- mahal ng kumuha ng healthcare kung matanda ka na. Kung maging masasakitin ako at kelangan ang regular na pagpapagamot? Ayaw kong maging pabigat. Sigurado ring andyan na ang βmaintenance medicinesβ na hindi naman libre, dapat may pambili ako at hindi aasa na lang sa aking mga anak dahil alam kong may kanya-kanya na rin silang pamilya.
2) Mahal ko ang pamilya ko. Nang maaksidente ng motor ang mag-ama ko, akala ko noon tuluyan na silang kukunin ni Lord. Pasalamat ako sa panibagong buhay na binigay pa sa kanila. Narealize ko paano pala kung ako ang maunang kunin ni Lord, paano ang mga bata? Ang dami pa nilang mga pangarap. May gustong magdoktor, magnegosyo, at maging isang arkitekto. Sapat ba ang ipon ko? Sabi ko nga paubos na at bilang magulang ikatutuwa kong makita na matutupad ng mga anak ko ang kanilang mga pangarap.
3) Mahal ko rin ang sarili ko. Kung mabiyayaan ako ni Lord ng mahabang buhay, narealize ko na masarap ang kahit sa pagtanda mo ay alam mong magagawa mo ang mga bagay na gusto mo katulad ng pagliliwaliw sa magagandang lugar dito sa Pilipinas o di kayaβy masubukang marating ang pinapangarap mong bansa. Kung may sapat akong ipon at kumikita naman ang aking savings and investments magagawa ko ang lahat ng ito. May maipamamana pa ako sa aking mga anak pagdating ng araw na kelangang ko ng mamaalam.
Nakita ko lahat ng kasagutan kay Kaiser Longterm Health Builder, may longterm healthcare ka na, may insurance at may investment pa (parang kapeng 3-in-one lang) kaya hindi ako nagdalawang-isip kumuha nito. Sabi ko nga kelangan ko sya, mahal ko ang pamilya ko at mahal ko rin ang sarili ko.
Ikaw, kelangan mo rin ba eto? Mahal mo rin ba ang pamilya mo? Mahal mo rin ba ang sarili mo?
Kung ang sagot mo ay βOO,β pm mo ako at usap tayo.