11/10/2024
Question---Nasa abroad ako, valid ba ang Life Insurance ng Kaiser?
HIndi ba NULL and void?
Answer---Valid ang life insurance coverage ng Kaiser planholders dahil ito ay covered ng master life insurance policy ng Kaiser International para sa long term healthcare planholders.
Kapag kumuha ka ng Kaiser plan, ini-enroll ka lang sa existing insurance plan ng Kaiser, kaya valid ang protection mo maski nasaan ka sa buong mundo. Parang HMO / group life plan ng companies, pwedeng isama ang employee maski nasaang bansa.
Ang mga bawal habang nasa abroad ang customers ay:
bawal magbenta ang mga licensed insurance agents.
Bawal ito dahil ang lisensiya nila ay valid lang sa Pilipinas.
Mag-ingat sa turo ng financial advisors na kulang ang kaalaman na tatakutin ka na null and void ang lahat
bawal kumuha ng individual life insurance policy na kontrata ng customer sa Philippine life insurance company. Bawal ito sa batas ng Pilipinas, at siguro sa batas ng bansa kung nasaan ang customer.
Ang Kaiser plan ay healthcare savings plan, hindi life insurance plan. Pwede itong kunin maski nasaan kasi ito ay healthcare / savings plan. Ang insurance component nito ay dagdag benefit lang na plan, at covered sa isang master group life policy ng kontrata ng Kaiser sa Philippine life insurance company.
Credit to Coach Bobet