01/11/2020
MATUTONG MAGBUDGET!
Sa dami ng iniisip natin araw araw gaya ng pagiisip pa lang ng uulamin, pagpapaayos sa mga sirang gamit sa bahay, pagbili ng mga kailangan ng mga bata, minsan napapabayaan na natin ang pagbubudget.
Tapos pagdating ng mga bills, doon na makikita na kulang na ang budget natin. Worse kung may need tayong bayaran agad so mangungutang tayo. Sakit sa ulo di ba?
So paano ba maging hayahay ang buhay?
Para mabawasan ang pagiisip, simulan natin sa pagbubudget.
Hatiin natin ang ating sahod sa tatlong bahagi.
1. Basic needs
2. Savings
3. Wants/Leisure
BASIC NEEDS
Sa sahod ng average na pinoy, 70% ng household income ang average cost ng basic needs. Sa mga mas mataas ang sahod, pwede itong bumaba hanggang 50%.
Sa basic needs kasama dito ang rent/amortization sa bahay, transpo, grocery kasama na ang food, tuition ng mga bata, bills ng kuryente, tubig at internet, cellphone load, baon at iba pang kailangan sa pang araw araw. Kapag sumobra ka sa 70%, dapat bawasan yung mga hindi masyado kailangan.
SAVINGS
Minsan sa pagbubudget, naibibili muna ang sahod sa basic needs natin tapos kung ano matira, yun na ang savings.
Mali!
Dapat ay may maitabi na agad tayo na 20% ng sahod natin para sa savings natin. Mas maganda kung may ibang account tayo para dito. Kapag kasi accessible ung savings, may tendency na magalaw sya.
WANTS/LEISURE
Syempre hindi mawawala to. May leisure kasi need na balanced din ang buhay natin. Kailangan din nating magchillax paminsan minsan as a reward naman sa hardwork natin.
Magtabi tayo ng 10% ng sahod natin para dito. Kung hindi man magamit, maiipon naman to at pwede nating magamit sa mga biglaang gastos.
Maganda rin itong gawin pang start sa emergency fund mo kung wala ka pa. Basta after a year at hindi nagalaw ang leisure fund mo, itransfer mo na sa emergency fund mo.
HAYAHAY NA!
Sa tamang pagbubudget nawawala yung pag aalala natin na baka hindi kayanin ng sahod natin ang mga gastusin sa bahay.
Mawawala ang sakit ng ulo natin pag may biglaang gastos.
At pinaka panalo dyan ay nakapagtabi pa tayo ng savings.
Walang inaalala, masayang buhay!