27/08/2025
LONG AND PERSONAL STORY AHEAD !
This is one of the reasons why I want to sell insurance. Katulad ng nangyare saken yesterday, since wala akong kainsu insurance, kahit sobrang sakit na ng tyan ko ay pinipilit kong hindi maospital or magpacheck up, hangga't kaya ko pa inuman ng gamot or may alternative ways pa, go lang sa buhay. Which is wrong. Nagkaroon ako ng takot kasi nga, ang mindset ko ay GASTOS.
Nakakatawa pa kagabi habang namimilipit ako tsaka nagpipilit akong hanapin, pag tingin ko sa green card ko ng Las Piñas, paexpired na sya sa mismong birthday ko. I know, if ever, hindi yun sasapat kung sakaling madiagnose ako ng kung ano mang sakit, miski yang philhealth na yan.
Recall ko lang, I have my insurance wayback 2022, tatlong policy - for myself and my 2 kids. I also have my St.peter plan which is helpful nung namatay yung tita ko tapos kumuha ako ulit ng bago. However, lahat yan ay kinansel ko, as in pinastop ko.
Hindi ko naisip na sana pala nagtira ako kahit man lang yung insurance ko sa sarili ko. Kasi Solo Parent nga pala ako. Wala naman akong aasahan din na tutulong kapag katulad nito, magkasakit ako. Ayoko naman maging dagdag isipin lalo sa mama at mga kapatid ko. Nakakalungkot kasi, masyado akong nagfocus sa ibang bagay.
But right now, isa sa mga goals ko ay maibalik at maiinsure ko ulit ang sarili ko before It's too late. Kahit paisa isa lang ang balik.
Guys! Sobrang importante talaga ng insurance especially pag bigla kang magkasakit promise! Hindi naman to para sa sarili ko lang din, gusto ko din makatulong sa inyo. So i hope mabigyan nyo ko ng chance mashare to sa inyo.
Message nyo lang ako 🙂