03/04/2021
Ang isa sa mga napaka hirap pagdating sa PAG-IIPON at PAG - IINVEST ay yung kailan mo ito .
Kailan mo ito gagawin.
Na dapat NGAYON na at mas mapabilis mo ang pagpapalago nito as FAST as you can.
Lingid sa ating kaalaman, tayong mga PINOY ay naniniwala sa PAG IIPON, walang duda po yan. Naniniwala po tayong lahat jan, ngunit iilan lamang ang gumagawa nito sa ating buhay.
Bagkos ang lahat sa atin ay ang nasa isip palagi ay kung ano ang matira sa kanilang mga sahud ay yun napo ang kanilang ma iipon.
Pero ang malaking tanong po para sa karamihan,
YAN NA BA TALAGA ANG IPON MO?
After all those expenses?
Sa lahat ng gastus mo?
Sa lahat ng pwedeng gagastusin mo?
This is the POOR MINDSET of everybody; almost 80% of the Filipino people has this kind of MINDSET.
90% Sa mga ito ay mas naniniwala na lahat ng binibili nila ay ASSET. Pero kung ito ay iyong titignan puro LIABILITIES lahat ang binibili.
Andiyan ang PADAMIHAN ng kotse…
Andiyan ang PAGANDAHAN ng bahay…
Andiyan ang PAUNAHAN ng bagong gadgets…
Andiyan ang PABONGGAHAN ng mga Tours, Parties, at mga events
Kaya nagtataka kong bakit mas maraming MAHIRAP keysa sa MAYAMAN?
Magtataka ka kung bakit mas kaunti lang ang UMAASENSO keysa sa naghihirap.
Mas madaming gustong gusto ang UTANG keysa ipagpaliban muna ang mga bagay na hindi naman masyadong kailangan.
Mas marami ang gusto ng gimik at instant saya kase daw sa salitang ‘’YOLO’’ (You only live once) pero nakalimutan nila ang ‘’YAGO’’ ( You also grow old ).
Hindi issue ang maraming bahay, madaming kotse, madaming gadgets, KUNG ang hindi mag susuffer ang CASHFLOW mo.
Hindi masama ang bumili ng gamit na mamahalin kong kaya mo naman itong bayaran ng CASH.
Tandaan mo kaibigan na whatever you can’t afford to buy in CASH, you need to think as many as possible kung kakayanin ba ito ng CASHFLOW mo. Or baka naman sa kagustuhan mong isapilit ang gusto mo ay dito naman maaapektuhan ang ibang gastusin mo.
Sige sabihin na nating gustong gusto mo talaga bumili ng mga bagay na yan.
May Paraan naman para hindi mag suffer ang cashflow mo.
All you have to do, is LOOK for another SOURCE of INCOME.
Yes po, you need to have another source of income or money machine to do the part of increasing your cashflow.
Always remember that ‘’Two is Better than ONE’’ ika nga.
Kase kapag nawala ang isa, may pagkukunan ka pa.
At dahil dalawa yan, your cashflow will INCREASE as fast as it is.
Huwag mong hintayin na kung kailan ka tatanda o nasa retirement years kana ay saka mo pa uumpisahan mag ipon ng para sayo. Dahil I am sure, mas lalong mahihirapan kang gawin ito.
Huwag mong hintayin na baka uupo ka nalang sa isang tabi ay hahaplosin mo ang nakaraan dahil wala kang ginawa noong sa kalakasan mo pa.