12/03/2026
Hindi lang tungkol sa pera ang usapan kapag kasama mo ang mga taong may vision.
Iba ang tono ng kanilang mga salita, hindi puro reklamo, hindi puro tsismis.
Ang pinag-uusapan nila ay opportunities, growth, investments, ideas, at kung paano pa sila magiging mas mabuting tao bukas kaysa kahapon.
Kapag napapalibutan ka ng mga taong may pangarap at disiplina, nahahawa ka.
Unti-unti mong napapansin na nag-iiba rin ang mindset mo.
From “paano makaraos?” nagiging “paano uunlad?” From “sana balang araw” nagiging “gagawin ko ito ngayon.”
Your environment quietly shapes your future.
Kung sino ang madalas mong kasama, sila rin ang nag-iimpluwensya sa direksyon ng buhay mo.
Kaya piliin mong sumama sa mga taong:
• marunong mangarap nang malaki
• marunong matuto sa pagkakamali
• marunong mag-isip ng solusyon, hindi lang problema
• at higit sa lahat, marunong magbigay inspirasyon sa iba
Hindi mo kailangang maging mayaman agad para makasama sila.
Kailangan mo lang magkaroon ng parehong mindset, ang mindset na hindi takot mag-grow.
Sometimes, one good conversation can change the direction of your entire life.
Choose your circle wisely.
Dahil minsan, ang susunod mong level sa buhay… nakatago lang sa taong makakausap mo.