Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

  • Home
  • Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal
Directions Website Contact the business

Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal Capt. Noli C. Malipot is an AFP Professional MISSION: To help every family achieve financial freedom.

VISION: To educate people and to deliver world's financial wake up call. Changing people from spender to saver to investor and to entrepreneur. As background, we belong to the Truly Rich Makers (TRM) team of International Marketing Group (IMG), a company that is involved in spreading financial literacy among Filipinos all over the world. IMG teaches the secrets of the wealthy to give every person, regardless of his income, the opportunity to gain financial freedom. And we believe that seafarers/OFW deserve, more than any other, to become financially free because of their great sacrifices in order to provide for their families. Specifically, the topics to be discussed on our FREE orientation/seminar are as follows:
· Building a Solid Financial Foundation
. How Money Works
· Different Investment Options
· The Abundance Formula
· Debt Consolidation and Elimination Strategy
· Personal Financial Strategy Workshop

FREE Personal Finance & Investment Orientation is conducted

IN:
10/F, World Center Bldg., Sen. Gil Puyat Ave., Makati City (infront of MAPUA)

EVERY:
Tuesday - Thursday - Saturday

AT:
10AM ~ 12NN, 2PM ~ 4PM, 7PM ~ 9PM

If I'm not around, you can look for Ms. Christy Canete (0919 284 4035) for assistance and seat reservation. Don't just be late but please be ahead of time as every topics are important to be heard that must not to be missed. for inquiries :
*please send a message to this page, and we will reply as soon as possible*

Subok ko na ang maglayag… subukan ko naman magsulat ng mga kuwentong iniwan ng bawat paglalayag. ⚓📖
27/08/2026

Subok ko na ang maglayag… subukan ko naman magsulat ng mga kuwentong iniwan ng bawat paglalayag. ⚓📖

Dito isinulat ang karamihan sa mga aral.
Ngayon, dito rin unang nagkaroon ng hard copy ang THE COMPASS. ⚓📖

Ginawan ko ng hard copy dito mismo sa barko—not just to see the book in print, but to finally hold the stories, lessons, and voyages that the sea helped me write.

Marami sa mga pahina nito ay bunga ng tunay na karanasan—mga tagumpay, pagkakamali, pagsubok, desisyon, at mga aral na hindi mo basta matututunan sa classroom.

Sa bawat biyahe, may kwento.
Sa bawat bagyo, may aral.
Sa bawat desisyon, may direksyon.

At ngayon, ang mga iyon ay nasa iisang aklat na.

THE COMPASS
100 Voyages for Life, Leadership, and Legacy.

The sea gave me the stories.
Life gave me the lessons.
THE COMPASS gave them a home.

— Captain NOLI

21/08/2026

Ang pagbabarko, talo pa ang showbiz. 😂⚓

Konting galaw mo, may balita agad.
Minsan nga, di ka pa sumasampa… kilala ka na! 😆

Mahina man ang signal onboard,
mabilis naman ang transmission ng balita. 📡🤣

21/08/2026

ALLOTMENT — hindi lang perang pumapasok sa account. 💰⚓

Sa bawat padala, may kasamang oras na malayo sa pamilya, pagod sa trabaho, puyat, panganib, at mga okasyong hindi nadaluhan.

Kaya sana, habang may dumarating na allotment:

May napupunta sa pangangailangan.
May napupunta sa ipon.
May napupunta sa kinabukasan.
At hindi lahat napupunta sa gastos.

Masarap mabuhay nang maayos ngayon, pero mas masarap ang buhay kapag handa rin tayo para sa araw na wala nang allotment na darating.

ALLOTMENT: Hindi lang padala. Bunga ito ng sakripisyo.

21/08/2026

Ingat po sa malakas mangutang at mabilis… magtago. 😂💸

Kapag oras ng hiram, ang bilis mag-reply.
Kapag oras na ng bayaran… biglang nagiging superhero — INVISIBLE! 🦸‍♂️🤣

Reminder lang:
Ang utang ay hindi libreng pera. Kung marunong manghiram, dapat marunong ding magbayad.

Bato-bato sa langit… ang tamaan, mag-isip-isip! 😅

21/08/2026

BARKO. ⚓

May oportunidad, may kita, pero may kapalit din na pagod, panganib, panahon, at sakripisyo.

Kaya habang may lakas at pagkakataon, sulitin ang bawat kontrata—hindi lang para kumita, kundi para makapaghanda sa kinabukasan.

Hindi habang-buhay nasa dagat.

Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal

21/08/2026

MARINO. ⚓
Hindi habang-buhay malakas ang katawan.
Hindi habang-buhay may kontrata.
At hindi habang-buhay nasa dagat.

Kaya habang may lakas, trabaho, at kita—maghanda para sa araw na gusto mo nang manatili sa lupa.

Bawat kontrata sana ay hindi lang may naiuwing gamit, bayad sa bills, o natapos na obligasyon.

Sana may naiuwing ipon.
May naitayong plano.
May nabubuong kinabukasan.

Dahil ang tunay na tagumpay ng isang marino ay hindi lang kung gaano kalaki ang kinita niya sa dagat…

kundi kung dumating ang panahon na kaya na niyang sabihin:

“Tama na. Uuwi na ako. Handa na ako.” ⚓🏠

05/07/2026


Don’t let your ring become your greatest achievement.

Let it become the beginning of a lifetime of excellence.









30/06/2026

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Capt. NOLI - The Shoreside - Gabay Pinansyal:

Shortcuts

Share