13/09/2023
โThe best time to get insurance is WHEN YOU DONโT NEED ITโ ๐ฏ๐ฏ
โโ
Sawa ka na ba sa hard selling ng mga Financial Advisers?
Sa FB, maraming ads ang iba't-ibang insurance companies. Aside from that, sigurado akong may isa or dalawa sa kapamilya mo or kaibigan mo ay FA.
Kaso nga lang, nakakasawa minsan na kinukulit ka nila about "financial literacy" and planning, kesyo kailangan mo daw ng insurance, savings, investments at iba pa. Ito "daw" ang responsible way ng pag-manage ng pera at para maipakita mo na mahal mo ang pamilya mo. Ang dami pang posts ng mga FAs, kung anu-anong content na dapat unahin ang insurance, minsan parang nag-g-guilt trip pa, diba?
Dun tayo sa true, anong ginawa mo nung nilapitan ka nila at inalok ng insurance products? Sigurado ako, tinanggihan mo yan. "Na-seen zoned na nga, hindi pa makaramdam si FA." Tapos na-block mo pa sya kasi ang "kulit" nya eh.
Hindi naman ako nam-ba-block, I frankly tell FAs kung meron na akong insurance. And if interested ako sa product, makikinig naman ako. Hindi ako FA, pero sobrang interested ako sa Financial Planning, kaya masasabi kong maalam ako sa ganitong bagay.
Anyway, bakit ko ito sinasabi ngayon? Kasi isa din ako sa inyo na nan-deadma, hindi nakinig, at ngayon ay nagsisisi.
My 3-yr old child got DECLINED sa insurance application. I tried to get her a health insurance for critical illness. Declined na yung application and wala pang explanation kung bakit.
Hindi ko na i-detalye kung ano ang health condition ng anak ko, pero I feel na yun ang dahilan kung bakit na-decline. Despite naka-recover ang anak ko and her latest lab tests show signs of healing, hindi pa rin pumasa sa insurance.
Bakit ako nag-sisisi? July 2022 nagkasakit ang anak ko. Una akong inofferan ng CI health insurance last year. Imagine, kung nag-proceed ako sa application ko last year, eh di sana na-approve na and hindi ko na problema ang future, "possible" medical expenses ng anak ko.
Pero wala na akong magagawa sa nakaraan. Now we have to keep trying sa ibang insurance companies, hoping na ma-approve ang anak namin. And I have to keep working sa current employer ko because they give one of the best health coverages sa mga multinational companies. Instead sana na early retirement so I can focus on this child, I need to keep working here for the insurance. ๐ฅฒ
So kung wala ka pa ring balak na sagutin yang FA sa inbox mo despite umabot ka magbasa hanggang dito sa tinatype ko, eh ewan ko sayo! The best time to get insurance is WHEN YOU DON'T NEED IT. Wag mo na akong gayahin, baka mag-sisi ka at ma-derail pa ang iba mong financial goals. Wag mong iwasan ang mga FAs, marami kang pwedeng matutunan from them. Just w**d out yung tingin mo eh benta lang ang habol, look for those na patient mag-explain ng products at hindi basta-basta mag-re-resign.
Good luck, and hope you meet the right FA and ma-approve ka sa ano pa mang insurance na ina-applyan mo. ๐๐๐
PS: Ito ang nagastos namin last July for our child's hospitalization. Pasalamat ako at 2 ang HMO namin, nacover ng Intellicare yung hindi kayang i-cover ni Medicard. Gamot yung nacover na yan ni Intellicare, 1 dose lang yan para sa need ng anak namin. Wala kaming binayaran nung na-discharge kami, parking lang. So isa ito sa sinasabi kong hindi ako pwede mag-resign basta because of the health coverage ng employer ko hangga't walang insurance company ang mag-approve sa anak namin. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa insurance after mong makita to, make sure that you STAY healthy and strong, siguraduhin mong hindi ka magkakasakit or anyone sa pamilya mo.
~ctto~