30/09/2021
SAHOD SQUID GAME EDITION: by
Alam mo bang walang masama kahit mag-Shopee at Lazada ka?! Oo, kung ikasasaya mo yun, GO!
Pero ito lang suggestions or ko sayo para guilt-free ang online shopping mo kada sahod! Dapat may ka paano ihandle ang pera mo. Introduce kita sa 6 Jars ni T.Harv Eker, frend!
JAR 1: Necessity Jar (NEC – 50%)
Itong jar na ito nakalaan para sa mga basic expenses mo: pagkain, water, electricity, rent, bills, etc. So tong jar na ito gagamitin mo para sa mga daily expenses mo sa bahay. Ito ang unang importanteng jar!
JAR 2: Financial freedom Jar (FFA – 10%)
Itong jar na ito, para ito sa FUTURE MO! Ang dapat lang gawin dito, NEVER MONG GAGASTUHIN ha until magretire ka. Ito tutulong sayo pagtanda mo. Pwede mong ilagay ito sa mga investments with high returns, like INSURANCE with INVESTMENT or (VUL), stocks, bonds, mutual funds etc. Basta hanap ka ng investment or business that can give you at least 4%-5% or more returns to fight the inflation, So meaning, wag sa banks para di matulog pera mo! Okies?
JAR 3: Education Jar (EDU – 10%)
LEARNING MUST NEVER STOP! So kung gusto mong umatend ng mga financial talks, seminars how to start your business, or events to enhance your skills, itong jar na ito ang gagamiting mo! Or if gusto mong bumili ng libro, dito mo siya kukunin. Basta itong jar na ito, gagamitin mo lang para tuloy-tuloy ang pagimprove mo sa sarili mo. Kung gusto mo ulit mag-aral, GO!
JAR 4: Long-term saving for spending Jar (LTSS – 10%)
Gusto mong bumili ng bagong bahay or kotse? Gusto mong magtravel with your family sa Boracay or sa labas ng bansa? Itong jar na ito ang gagamitin mo. Dito ka mag-iipon para sa mga goals mo na pang 6months or more years. Gusto mo ng bagong iphone, laptop, sala set, bagong bedroom set or kitchen set, ito yun! Dito ka mag-iipon. Wag kang pasaway, charot!
JAR 5: Play Jar (PLAY – 10%)
AYAN! Ito na yung favorite ng lahat. ANG GUILT-FREE na pag-gastos! Ohhhh jevahhhh, gusto mo yarn! Itong jar na ito, laspagin mo, charot! Ito ang gagamitin mo para sumaya ka monthly! Kung yung Financial Freedom Jar ay for life na di mo gagastusin, itong PLAY JAR naman, monthly mo dapat gagastusin. DERSERVE MO YARN! Magpa haircut ka, massage, mani-pedi, online shopping, kahit anong gusto mong gawin sa jar na ito para sumaya ka, push mo lang! Okay? Happy? charot!
JAR 6: Charity Jar also called Give Jar (CHARITY – 10%)
Last but definitely not the least, GIVE JAR! Ito yung gagamitin mo para ibalik sa Panginoon lahat-lahat ng blessings na binibigay niya sayo! May trabaho ka, healthy ka, bumabangon ka araw-araw, NABUBUHAY KA PA. Lahat yan, dahil sa grasya at biyaya ng Panginoon, kaya kaibigan, 10% lang ang hinihinging balik ni Papa God, ibigay mo na, nagbigay ka nga ng sobra-sobra sa maling tao eh. Char.
So, Paano ba gamitin or gawin ito? Daming kuda diba. Doon tayo sa application or actions na dapat mo ng gawin:
Sabihin natin na ang sahod mo ay 15,000.00 php less taxes and other deductions.
NEC Jar -- (7,500.00 php)
FFA Jar -- (2,000.00 php)
EDU Jar -- (1,000.00 php)
LTSS Jar -- (2,000.00 php)
PLAY Jar -- (1,000.00 php)
CHARITY Jar -- (1,500.00 php)
Napansin mo ba, di tugma sa percentages per jar yung budget ko? Oo, manina ako sa math tulad mo!, charot lang.
Ang kagandahan kasi sa jar system na ito, you can PRIORITIZE kung and gusto mong mapuno agad, basta ang mahala may 6 jars kang pinaglalagyan ng pera mo monthly. For me ang mahalaga ay, GIVE JAR (TITHES), NECESSITIES, FFA, and LTSS Jar. Okay, bakit ito ang mga pinili kong priorities:
GIVE - ulitin ko, ibalik sa bahay ng Panginoon ang para sa kanya. Kahit ano pang religion mo, magbigay ka kung saan ka dumadalo. Pero kung wala naman, eh di gamitin mo na lang sa tama or ibigay sa nangangailanan. Okies
FFA - ayaw kong maging pabigat sa pamilya or magiging anak ko (oo single ako, single ka? Cheers!). Ayaw kong gawing retirement plan mga magiging anak ko. Ultimo pambili ng bigas iaasa ko sa mga anak ko or sa iba. Diba, ayaw mo yun? Kaya mag-ipon ka, simulan mo na!
LTSS - kasi gusto kong magtravel pa after pandemic. Sama ka sa trip ko? ka na.
PLAY - di naman ako nagpapagupit monthly, massage pwede pa (kaya lang pandemice eh), kaya okay na ako diyan. Nasa bahay lang din naman.
EDU - gusto ko pang improve sarili ko, pero di naman monthly din aka bumibili ng libro or umaatend ng mga seminars or event. Kaya okay na din yan sa akin.
NEC Jar - kung magkano ang budget diyan, matutong sumunod. Kaya mo yan. Sumahod ka nga dati ng mas mababa pa diyan diba. Kaya mo yan. Tipid tipid din.
Oh ayan na ha. Naway may natutunan ka sa SAHOD SQUID GAME EDITION ni para naman di agad madeds yung sahod mo monthly! Okay!
Kung may natutunan ka, share mo din sa iba! Wag kang madamot. Charot. Share and like mo na din ito, go!