22/10/2019
Nagsasawa ka na ba sa mga post ko about financial literacy? Paano maka ipon at paano yumaman? Nagsasawa ka na rin ba sa kaka invite ko sayo sa financial seminar?
Kaya ngayon, eto na lang i-post ko HOW TO BE POOR to achieve your financial freedom: 😁😁
1. Magpanggap kang mayaman.
2. Bumili ka ng hindi mo kailangan.
3. Umutang ka ng P20,000.00 na cellphone
kahit P15,000.00 lang ang sahod mo.
4. Maniwala kang "Money can't buy happiness."
5. Lumipat ka lagi ng trabaho pag nahirapan ka na o napagalitan ka ng boss mo.
6. Magbasa ka ng Bible kahit di ka na kumilos. Tiwala lang sapat na.
7. Wag kang maniwala sa Insurance. Si Cardo nga buhay pa eh.
8. Mag-invest ka sa mga 60% ROI sa loob ng isang buwan. Maniwala kang malaki ang kikitain mo sa pagpapa-aalaga mo ng baboy at manok.
9. Wag kang maniniwala sa mga investment instruments tulad ng Real Estate, Mutual fund, Bonds, Stock Market, at iba pa. Manatili sa 0.25% interest rate ng Savings account habang ang inflation ay 4-5% kada taon.
10. Wag kang matuto o magbasa ng libro. Sila Zuckerberg at Bill Gates nga drop out eh?!
11. Maging YOLO (You Only Live Once). Travel lang kahit utang. Di naman sila nagbabayad non, kaya okay lang yan.
12. Mamuhay sa inggit at galit. Wag hayaang malamangan ka ng dati mong classmate na t*t*ng*-t*ng* at binu-bully mo lang dati sa school. Kailangan ikaw lang ang umasenso.
😁
CTTO