16/07/2026
Went to the dentist para sana magpa-pasta. Turns out, kailangan ko na pala ng root canal. 😬
Mejo na-shookt talaga ako sa presyo. Habang naglalakad pauwi, paulit ulit ako kay hubby na "Nu ba yan, gastos nanaman?!"
After awhile, I caught myself. Bakit ba ako natatakot eh pinaghandaan ko naman yung mga ganitong "unexpected" na gastos gamit ang sinking funds ko?
Yan nga mismo tinuturo ko sa mga coahing clients ko. lol... Well, iba din kasi pag ikaw na mismo yung nasa situation.
Ang mas nakakatawa pa, nung gold ang binibili ko nung nakaraang mga buwan eh wala talaga akong masyadong isip-isip. Go na agad.
The here I am sa dental needs? Nagdadalawang-isip pa 😅
Siguro it's because I look at gold as something na may guaranteed return. May makikita akong pagbalik dun sa pera ko. Pero sa ngipin, wala namang "return" na ganun ang usapan. Kaya mas nararamdaman yung "sayang."
But then, hindi lang naman tungkol sa return on investment usapan dito. It's also about minimizing losses ang managing risks.
Kung ipagpapaliban ko pa yung root canal ngayon, mas bibigat lang yung problema later on. Mas malaki pang gastos. Mas malaki pang sakit na kelangan kong pagdaanan. Yung "sayang" na naramdaman ko now, magiging regret pa later on.
Kaya this reminded me na hindi lang dapat puro "invest, invest, invest" ang laman ng financial plan natin.
Kailangan din nating maglaan ng pera para sa pag-manage ng risks. Yan yung yung emergency funds, healthcare coverage at mga insurance natin. Mga bagay na hindi mo pa agad ma-appreciate yung value hangga't di mo kinailangan.
So kung matagal ka nang nagp-procrastinate about sa insurance o emergency fund mo dahil mas exciting mag-isip ng investments, this is your sign na i-prioritize din ang mga yan.
📌 Want more conversations about money mindset, budgeting and debt? Sali ka sa community natin na MIP Powerhouse and receive your welcome gift na "7-Day Money Guide".
Comment JOIN to receive an invite.