09/08/2026
Sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan, habang marami sa atin ang naghahanap ng masisilungan, nagpapahinga, at nag-aalala sa kaligtasan ng sariling pamilya—may mga taong patuloy na nasa labas, nakabantay, rumeresponde, nagsasagawa ng rescue at tumutupad sa kanilang tungkulin.
Sila ang ating mga tropang Philippine Coast Guard
Habang lumilipas ang mga araw na basa ang kanilang uniporme at mabigat ang katawan sa pagod at puyat, nananatili silang nakatayo dahil alam nilang may mga taong umaasa sa kanilang presensya.
Hindi kita ng iba ang sakripisyo ninyo sa araw araw..
Lalo na sa ganitong panahon at sitwasyon..
Maaaring hindi natin alam kung ilang oras silang walang tulog, ilang beses nilang sinuong ang ulan, ilang panganib ang kanilang hinarap, o ilang pagkakataong kinailangan nilang isantabi ang sarili nilang pangamba.
Ngunit nararapat lamang na malaman nila na nakikita natin ang kanilang sakripisyo.
Kaya sa lahat ng tropa,
Kasama kayo sa panalangin namin!
Snappiest na pagiingat lang po sa lahat 👑🫡