J.V. Gutierrez - Accounting, Audit and Tax Services

J.V. Gutierrez - Accounting, Audit and Tax Services I help small and medium size businesses in the Philippines by providing accounting and tax services.

10/11/2025
12/10/2025

Good news para sa mga negosyo!

Upang mas mapadali ang business registration process, inilabas ng BIR ang Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 91-2025 na pinapayagan ang pagtanggap ng Board Resolutions at Secretary’s Certificates na pirmado ng Assistant Corporate Secretaries bilang bahagi ng documentary requirements sa ilalim ng RMC No. 74-2025.

Nilinaw ng Circular na alinsunod sa Revised Corporation Code, ang Corporate Secretary ang opisyal na responsable sa integridad ng mga opisyal na records ng korporasyon.

Para mabawasan ang administrative burden, tatanggapin na rin ng BIR ang mga dokumentong pirmado ng Assistant Corporate Secretaries.

Layunin ng hakbang na ito na mas mapabilis at mas maging simple ang proseso ng pagrerehistro ng negosyo sa BIR.

Follow Commissioner Lumagui’s official accounts:
IG & TikTok:

04/08/2025

Nilinaw ng na hindi ganap na exempted sa pagbabayad ng Value-Added Tax (VAT) ang mga negosyong nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, bahagyang pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang claim ng Coral Bay Nickel Corporation (Coral Bay) para sa VAT refund.

Rehistrado sa PEZA ang Coral Bay, na isang domestic company na gumagawa at nag-e-export ng nickel at cobalt mixed sulfide. Humingi ito ng refund mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa hindi nagamit na input VAT na binayaran nito para sa mga kalakal at serbisyo na ginagamit sa labas ng PEZA zone (ecozone).

Karaniwang nagbabayad ang mga negosyo ng VAT sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili, na tinatawag na input VAT, at sa mga produktong kanilang ibinebenta, na tinatawag na output VAT, na kanilang ipinapasa sa kanilang mga kustomer.

Sa pagtatapos ng tax period, ibinabawas nila ang kanilang input VAT mula sa kanilang output VAT at babayaran ang pagkakaiba sa gobyerno.

Nabigo ang BIR na aksyunan ang refund claim ng Coral Bay na nag-udyok sa kumpanya na dalhin ang kaso sa Court of Tax Appeals (CTA).

Itinuring nito ang Coral Bay bilang ganap na exempted sa VAT. Kaya, ang mga pagbili nito ay itinuring na zero-rated, na ginagawa itong hindi karapat-dapat para sa isang refund ng VAT.

Binaliktad ng Korte Suprema ang CTA En Banc at nagpasya pabor sa Coral Bay.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7916, o ang Special Economic Zone Act of 1995, as amended, exempted ang mga kumpanya ng PEZA sa pambansa at lokal na buwis, maliban sa buwis sa real property sa lupang pag-aari ng mga developer.

Gayunpaman, hindi kasama sa exemption na ito ang VAT.

Maaaring mag-claim ng zero-rated na VAT sa ilalim ng cross-border na prinsipyo ang mga kumpanyang nagpapatakbo sa loob ng ecozones na itinuturing ng batas bilang dayuhang teritoryo. Sinasabi ng prinsipyong ito na walang VAT na sinisingil sa mga produkto o serbisyo na nilalayon para gamitin sa labas ng nagbubuwis na bansa.

Sa kaso ng Coral Bay, sa labas ng ecozone nakonsumo ang mga binili nito pero sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Dahil napapailalim sila sa VAT, may karapatan ang Coral Bay sa refund para sa hindi nagamit na input VAT.

Basahin ang buong Press Release sa https://tinyurl.com/bdh64f22.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/bdz8sa8z

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


30/07/2025
Deadline Extension!! 📌
24/07/2025

Deadline Extension!! 📌

Address

Marikina City
1812

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when J.V. Gutierrez - Accounting, Audit and Tax Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to J.V. Gutierrez - Accounting, Audit and Tax Services:

Share