04/04/2026
May Tax Refund Ka Ba? Simpleng Gabay Para sa mga Empleyado
Note: Not applicable to Minimum Wage Earners
________________________________________
🔹 A. TANONG
May Tax Refund Ka Ba?
Alam mo ba na may mga empleyado na may tax refund pero hindi nila ito nakukuha dahil hindi nila naiintindihan kung paano ito kino-compute?
________________________________________
🔹 B. PROBLEM
Kadalasan, umaasa lang tayo sa HR o kumpanya para sa tax computation. Pero minsan, hindi natin napapansin na sobra na pala ang na-withhold na buwis sa atin.
________________________________________
🔹 C. EXPLANATION
Sa madaling salita, ang tax refund ay nangyayari kapag mas malaki ang nabayad mong buwis kumpara sa dapat mong bayaran base sa iyong kita.
________________________________________
🔹 D. SIMPLE GUIDE
Paano malalaman kung may tax refund ka:
1. Alamin ang iyong total annual income
(I-add ang lahat ng kinita mo sa loob ng isang taon gamit ang iyong payslip)
2. Ibawas ang allowable deductions
(SSS, PhilHealth, Pag-IBIG contributions, union dues)
3. Makukuha ang iyong taxable income
4. I-compute ang tax due
(Gamit ang applicable tax table)
5. I-total ang lahat ng tax na na-withhold sa buong taon
6. Ikumpara ang:
👉 Tax Due vs. Tax Withheld
________________________________________
🔹 E. SAMPLE
Gross Income ₱300,000
Less: Exemption (250,000)
Taxable Income 50,000
Tax Rate 15%
Tax Due ₱7,500
Less: Tax Withheld (12,500)
---------------------------------------
TAX REFUND ₱5,000
Sa halimbawang ito:
• Ang annual gross income ay ₱300,000
• Ayon sa ginamit na exemption, ₱250,000 ang hindi taxable
• Kaya ang taxable income ay ₱50,000 lamang
• Nang i-multiply sa 15%, ang tamang tax due ay ₱7,500
• Ngunit ang tax na na-withhold ng employer ay ₱12,500
👉 Dahil mas mataas ang tax withheld kaysa tax due, may tax refund na ₱5,000.
🔹 F. CLOSING
👉 I-follow ang page na ito o mag-comment ng “REFUND” para ma-assist kita😊