31/01/2026
Gusto ni Mister, ayaw ni Misis!
“Ayaw ni misis eh…kapos na nga raw sa budget.”
Iyan ang karaniwang maririnig mo sa isang ama ng tahanan na naniniwala sa kahalagahan ng life insurance pero walang magawa. Eh kasi, ayaw nga ni misis. Bilang maybahay, talaga namang nakaka-stress mag-budget sa dami ng pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan ng buong pamilya. Kaya naman ang tingin ng iba ay dagdag na gastos lang ang life insurance.
Pero teka, baka naman kailangan lang baguhin ang pananaw ukol dyan. Huwag natin syang tingnan bilang gastos kung hindi bilang savings. Alam ko sasabihin mo, nag-iipon ka naman. Pero kung kalian mo lang maisipan. Dito, matututunan mo ang habit ng pagse-save ng regular.
Saan ka kukuha ng itatabi? Doon sa babawasan mong unnecessary expenses. Lahat tayo meron nyan. Mga bagay na pwede namang di bilhin dahil sa totoo lang, hindi naman talaga kapakipakinabang at di nagtatagal.
At dahil marami sa life insurance ngayon ay investment-linked, ito ay kikita ng interes. Pagkalipas ng 10 taon, ang inipon mo nandoon pa rin, pero pwedeng nakabili ka na ng 500k worth o higit pa ng life insurance. Dun pa lang, tubo ka na. Maari mo rin itong gamitin sa pag abot ng inyong pamilya sa mga pangarap sa buhay. Pwede mo itong magamit as education fund, retirement fund, travel fund, o pang-umpisa ng isang negosyo. Sa pagkakataon naman na may dumating na mga pagsubok kagaya ng pagkakasakit, pwede rin itong makatulong sa inyo.
Maaring kahit naipaliwanag mo na ang mga ito, kontra pa rin si misis. Kasi di pa nya nakikita ang value nito. Pero pagdating ng araw, at kung sa di inaasahan ay maiwan mo sya ng biglaan, ipagpapasalamat nya na pinanindigan mo ang paniniwala mo. You are called the head of the family for a reason, remember that. Protect your family now.
©Value Ur Life