31/10/2024
"Isn't it ironic?" Sabi nga sa kanta ni Alanis Morissette. Tuwing Undas, nagpapakita tayo ng pagmamahal at pag-alala sa mga yumao na, pero minsan nakakalimutan natin na meron pang mga taong buhay na, naghihintay lang din ng atensyon at malasakit natin.
Bakit nga ba kapag wala na sila, doon lang natin naiisip ang mga "sana"? Sabi nila, ang pag-iyak natin ay may dalawang dahilan: una, dahil alam natin na hindi na natin sila makakasama o makakausap kailanman; at pangalawa, dahil sa mga panghihinayang—yung mga hindi natin nagawa o nasabi noong nandito pa sila.
Ngayong panahon ng Undas, alalahanin natin hindi lang ang mga yumaong mahal sa buhay, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid natin na maaring di natin napapansin, pero patuloy na nandyan, umaasa sa simpleng "kamusta ka na?" o sa munting oras na ibinibigay natin.
Hindi kailangang maghintay pa tayo ng susunod na Undas o ng panahon na wala na ang isang tao para ipakita ang ating malasakit at pagmamahal. Huwag sana maging monumento ng panghihinayang ang mga sementeryo para sa atin. Nasa atin pa ang pagkakataon para iparamdam ang tunay na halaga ng mga tao sa buhay natin—ngayon, habang kasama pa natin sila.
Baka hindi bulaklak ang hinihintay nila, kundi isang simpleng "mahal kita," "insured na ako, beneficiary kita," o "ikaw naman next na iinsure ko."
Sana, we live fully ngayon pa lang, na wala tayong pagsisisihan sa huli. Gawin na ang kaya natin ngayon—para sa mga mahal natin na buhay pa.