06/07/2026
𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗡𝗼. 𝟯𝟱:
“𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼, 𝗕𝗜𝗥! 𝗨𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 𝗸𝗼 𝗻𝗴 ₱𝟰𝟭𝗠, 𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮𝗴 𝗯𝗿𝗲𝗮𝗸 𝗸𝗮𝗺𝗶. 𝗗𝗶𝗻𝗼𝗻𝗮𝘁𝗲 (𝗱𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻) 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮. 𝗠𝗮𝘆 𝗗𝗼𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝘁𝗮𝘅 𝗯𝗮 𝘆𝘂𝗻?”
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻:
Opo, may Donor's Tax iyon. Ayon sa RMC 10-2026 (inilabas noong February 2026 para sa mga purely cash donations), ang batayan para ma-exempt ang cash ay kung ang kabuuang halaga nito ay hindi hihigit sa ₱250,000 sa loob ng isang taon. Dahil ₱41,000,000 ang halaga ng cash na sangkot sa iyong sitwasyon, awtomatikong may donor's tax ang halagang lumampas sa limitasyon.
𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗗𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗧𝗮𝘅 (𝗧𝗮𝘅 𝗖𝗼𝗱𝗲)
Kapag ang isang nagpautang ay kusang-loob na pinatawad ang utang nang walang anumang kapalit, itinuturing itong isang "indirect donation" o donasyon na napapailalim sa donor's tax:
• Section 98 (Imposition of Tax): Sinasaad nito na ang buwis ay ipapataw sa paglilipat ng ari-arian sa pamamagitan ng regalo (gift) ng sinumang tao. Sakop nito ang lahat ng uri ng regalo, maging ito ay direkta o hindi direkta (indirect), at maging ang ari-arian ay real o personal property, may pisikal na anyo (tangible), o walang pisikal na anyo (intangible).
• Section 99 (Rate of Tax): Nagtatakda na ang donor’s tax sa bawat kalendaryong taon ay may flat rate na anim na porsyento (6%) batay sa kabuuang net gifts na lumampas sa ₱250,000.
𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗟𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝘅𝗲𝗺𝗽𝘁 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻?
Ang cash donation ay maaari lamang maging exempt sa donor's tax kung ang makakatanggap (donee) ay ang mga sumusunod na kuwalipikadong institusyon sa ilalim ng Section 101 ng Tax Code:
• Pamahalaan: Ang Gobyerno ng Pilipinas o anumang ahensya nito na ginawa hindi para kumita o ng anumang political subdivision ng Gobyerno;
• Edukasyon, Relihiyon, o Kawanggawa: Mga non-profit educational, charitable, o religious institutions na rehistrado sa BIR at PCNC, kung saan hindi hihigit sa 30% ng donasyon ang gagamitin para sa administrasyon.
Source:
RMC 10-2026:https://bir-cdn.bir.gov.ph/BIR/pdf/RMC%20No.%2010-2026.pdf