27/07/2026
NCR minimum wage earners, mas mataas na ang inyong sahod simula ngayong araw!
Epektibo ngayong Hulyo 25, 2026, ipinatutupad na ang ₱60 na dagdag sa arawang minimum na sahod, mula ₱695 ay magiging ₱755 na, ayon sa Wage Order No. NCR-27.
May kasunod pang ₱25 na dagdag sa Enero 20, 2027, kaya magiging ₱780 ang arawang minimum na sahod.
Humigit-kumulang 1.1 milyong minimum wage workers sa pribadong sektor sa NCR ang inaasahang makikinabang sa umentong ito.