Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative

Call Directions Contact the business

Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative Uplifting Lives Through Responsible Partnership Main Office * Lawa, Obando, Bulacan * Telefax: (02) 8-294-3163 * Tel. Nos. No. (02) 8-292-6895, Tel.

(02) 8-294-4233, (044) 663-2174, Mobile Number Globe: 0926-0716747, Smart: 0960-5613391 Extension Office * 2/F Rm5, Altra Bldg., Poblacion, Valenzuela City * Tel. (02) 8-352-3246, Mobile Number Globe: 0927-1900815, Smart: 0942-2935387 Bulacan Branch * Camino Real, San Jose, Bulakan, Bulacan * Tel. (044) 663-2704, Mobile Number Globe: 0927-1900815, Smart: 0942-5526045
Email Address * [email protected] * [email protected]

Kamay-Ari Spotlight!Kilalanin natin si Danilo S. De Leon, isang masipag na negosyante na natagpuan sa Sta. Cruz Savings ...
21/10/2026

Kamay-Ari Spotlight!

Kilalanin natin si Danilo S. De Leon, isang masipag na negosyante na natagpuan sa Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative ang katuwang sa kanyang paglalakbay tungo sa mas maayos na kabuhayan at magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya.

Danilo S. De Leon
Lawa Office – Member
Kamay-Ari mula October 27, 2004

Mula pa noong 1996, pinasok na ni Danilo ang negosyo ng garments, dala ang pangarap na maitaguyod ang kanyang pamilya. Sa kabila ng mga hamon at sakripisyo sa pagnenegosyo, patuloy siyang nagsisikap at naniniwala sa kahalagahan ng sipag, tiyaga, at tamang pagdedesisyon.

Para kay Danilo, ang pagiging bahagi ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative ay hindi lamang tungkol sa pag-iimpok at tulong pinansyal. Ito ay tungkol din sa tiwala, pagtutulungan, at pagkakaroon ng isang samahang kasama sa pag-abot ng mga pangarap.

Bilang asawa at ama ng limang anak, isa sa kanyang ipinagmamalaki ay ang pagiging Kamay-Ari rin ng kanyang asawa at dalawa sa kanilang mga anak. Para sa kanya, isang magandang pamana sa pamilya ang pagpapahalaga sa pag-iimpok, pagiging responsable, at pagtitiwala sa kooperatiba.

Para kay Sir Danilo, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa laki ng negosyo, kundi sa kakayahang maitaguyod ang pamilya at maibahagi sa kanila ang mga aral at oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.

Maraming salamat, Sir Danilo, sa inyong tiwala at patuloy na pagiging bahagi ng ating Kooperatiba! Ang inyong kuwento ay inspirasyon na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pagkakaisa, mas nagiging makabuluhan ang bawat hakbang tungo sa tagumpay.

Isang Kooperatiba. Isang Pamilya. Isang Mas Maliwanag na Kinabukasan.

Narito ang Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative, na laging handang maging katuwang ng bawat Kamay-Ari sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at pagbuo ng mas magandang kinabukasan.

LAST CALL! HULING ARAW NA NGAYON (OCTOBER 20)!PARA SA ATING MGA OFW AT LOCALLY EMPLOYED NA KAMAY-ARI ng Sta. Cruz Saving...
20/10/2026

LAST CALL! HULING ARAW NA NGAYON (OCTOBER 20)!

PARA SA ATING MGA OFW AT LOCALLY EMPLOYED NA KAMAY-ARI ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative!

Huwag palampasin ang pagkakataon! Ngayong araw na ang deadline ng pagpasa ng requirements para maka-claim ng inyong Noche Buena Package (para sa mga Members in Good Standing na hindi nakadalo sa General Assembly).

Mahahalagang Detalye:
🗸 Deadline of Filing: NGAYONG ARAW, October 20, 2026
🗸 Distribution Date: December 28, 29 & 30, 2026

Mga Paalala:

🗸 Pakitiyak na kumpleto at naisumite ang lahat ng kinakailangang dokumento bago matapos ang araw. (Basahin ang nakaraang official announcement para sa kumpletong listahan ng requirements).

🗸 Ang bawat request ay sasailalim sa mahigpit na review and evaluation ng Board of Directors (BOD) at Management.

🗸 The decision of Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative shall be FINAL AND EXECUTORY.

Habol na, mga Kamay-ari, at siguruhing pasok ang inyong application!

STAY TUNED! Abangan ang mga susunod na updates at announcements tungkol sa ating Noche Buena Package distribution. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa!

PARA SA ATING MGA OFW AT LOCALLY EMPLOYED NA KAMAY-ARI ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative!

Para sa mga OFW (Overseas Filipino Worker) at Locally Employed Members in Good Standing na hindi nakadalo sa General Assembly, narito ang mga requirements at proseso para maka-claim ng Noche Buena Package.

Filing Period: October 5–20, 2026
Distribution Date: December 28, 29 & 30, 2026

Ang bawat request ay sasailalim sa review and evaluation ng Board of Directors (BOD) at Management.

Pakitiyak na kumpleto at naisumite ang lahat ng kinakailangang dokumento sa loob ng itinakdang filing period.

The decision of Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative shall be FINAL AND EXECUTORY.

Para sa kumpletong requirements at detalye, mangyaring basahin ang official announcement.

STAY TUNED Kamay-Ari!
Abangan ang mga susunod na updates at announcements tungkol sa ating Noche Buena Package.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa, mga Kamay-ari!

Mahalaga ang tamang patakaran para sa isang matatag na kooperatiba! Bilang mga Kamay-Ari ng Sta. Cruz Savings and Credit...
20/10/2026

Mahalaga ang tamang patakaran para sa isang matatag na kooperatiba! Bilang mga Kamay-Ari ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative, narito ang mga Institutional Safeguards na nagbibigay gabay at proteksyon sa ating lahat at sa bawat transaksyon upang matiyak ang patas, ligtas, at responsableng operasyon.

Apat na pangunahing patakaran na dapat nating malaman:

🗸 Credit and Loan Policy - Tinitiyak ang patas na proseso sa pag-apruba ng loan at pinoprotektahan ang pondo ng kooperatiba laban sa hindi nababayarang utang.

🗸 Conflict of Interest Policy - Inuuna ang kapakanan ng kooperatiba at miyembro, at iniiwasan ang paggamit ng posisyon para sa personal na pakinabang.

🗸 AML/KYC Policy - Layuning maiwasan ang money laundering at fraud sa pamamagitan ng pag-verify sa pagkakakilanlan ng bawat miyembro.

🗸 GAD Policy (Gender and Development) - Itinataguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, pantay na oportunidad, at isang ligtas at inklusibong kapaligiran.

Bakit ito mahalaga? Dahil sinisiguro nito ang Protection, Fairness, Transparency, Risk Prevention, at Compliance sa ating operasyon.

Tamang Patakaran, Ligtas na Transaksyon, Matatag na Kooperatiba!

Pasko na, mga Kamay-Ari! Ramdam na natin ang holiday cheer! Kaya naman isang malambing na paalala para sa mga members na...
19/10/2026

Pasko na, mga Kamay-Ari!

Ramdam na natin ang holiday cheer! Kaya naman isang malambing na paalala para sa mga members na may nearing overdue accounts: i-update at i-settle na ang inyong mga account bago ang kapaskuhan para iwas-hassle at tuloy-tuloy ang peace of mind ngayong holidays.

Bilang pasasalamat sa inyong patuloy na pagtangkilik at suporta, ang ating Noche Buena Package 2026 ay para mas maging masaya at buo ang salu-salo ng inyong pamilya.

STAY TUNED, Kamay-Ari!
Abangan ang mga susunod na updates at announcements tungkol sa ating Noche Buena Package. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa, mga Kamay-ari!

Sama-sama sa Pag-asa, Mas Masaganang Pasko!

Maligayang Pasko mula sa Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative!

16/10/2026

Gusto mo bang masulit ang ipon mo? Mas masaya mag-impok sa Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative! Alam mo ba na ang pag-iimpok dito ay libre sa buwis at may mas mataas na dibidendo kumpara sa mga commercial banks?

Tulong-tulong tayo sa pag-unlad! Mag-impok sa kooperatiba ngayon at palaguin ang iyong kinabukasan.

ANNOUNCEMENT | ELECTION CANDIDACY FILINGMga Kamay-Ari na Good Standing Members, panahon na upang maging mas aktibong bah...
16/10/2026

ANNOUNCEMENT | ELECTION CANDIDACY FILING

Mga Kamay-Ari na Good Standing Members, panahon na upang maging mas aktibong bahagi ng pamamahala at paglilingkod sa ating kooperatiba!

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong miyembro na magsumite ng aplikasyon bilang kandidato para sa mga sumusunod na posisyon:

3 – Board of Directors
1 – Audit Committee
2 – Election Committee

Filing of Candidacy:
Oktubre 16 – Disyembre 16, 2026
Ang halalan ay kaugnay ng ating 46th General Assembly na gaganapin sa Marso 6, 2027.

Ang pagiging kabahagi ay hindi lamang isang posisyonito ay pagkakataong maglingkod, makibahagi, at kaagapay sa patuloy na pag-unlad ng ating kooperatiba.

Para sa karagdagang impormasyon at aplikasyon, makipag-ugnayan sa Lawa Office, Valenzuela Branch, o Bulakan Branch.

Maging bahagi ng pamumuno. Maging boses ng mga Kamay-Ari. Sama-sama nating itaguyod ang mas matatag na kooperatiba!

PAANYAYA SA FINANCIAL MANAGEMENT SEMINAR PARA SA MGA REGULAR NA MIYEMBROAng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative ay ...
16/10/2026

PAANYAYA SA FINANCIAL MANAGEMENT SEMINAR PARA SA MGA REGULAR NA MIYEMBRO

Ang Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng aming Regular na Miyembro na dumalo sa ating Financial Management Seminar.

Palalimin ang inyong kaalaman sa tamang pagba-budget, pag-iipon, pagpaplano ng pananalapi, at matalinong pamamahala ng inyong kita upang mas maging handa sa kinabukasan.

Petsa: Oktubre 24, 2026
Oras: 8:00 AM – 11:00 AM
Lugar: Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative Multi-Purpose Hall, Lawa, Obando, Bulacan

Para sa mga Katanungan at Rehistrasyon ng Inyong Slot, mangyaring hanapin ang mga sumusunod:

Lawa Office - Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative
Ms. Jessica

Valenzuela Branch - Sta Cruz Cooperative - Valenzuela
Sir AJ

Bulakan Branch - Sta Cruz Cooperative - Bulakan
Sir Hil

Bayad sa Seminar: Php 50.00 (Para sa seminar materials.)

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapalawak ang inyong kaalaman sa tamang pamamahala ng pananalapi. Sama-sama nating palakasin ang ating kinabukasan sa pamamagitan ng wastong paghawak ng ating mga pinansyal.

Kita-kits mga Kamay-Ari!

PARA SA ATING MGA OFW AT LOCALLY EMPLOYED NA KAMAY-ARI ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative!Para sa mga OFW (Over...
15/10/2026

PARA SA ATING MGA OFW AT LOCALLY EMPLOYED NA KAMAY-ARI ng Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative!

Para sa mga OFW (Overseas Filipino Worker) at Locally Employed Members in Good Standing na hindi nakadalo sa General Assembly, narito ang mga requirements at proseso para maka-claim ng Noche Buena Package.

Filing Period: October 5–20, 2026
Distribution Date: December 28, 29 & 30, 2026

Ang bawat request ay sasailalim sa review and evaluation ng Board of Directors (BOD) at Management.

Pakitiyak na kumpleto at naisumite ang lahat ng kinakailangang dokumento sa loob ng itinakdang filing period.

The decision of Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative shall be FINAL AND EXECUTORY.

Para sa kumpletong requirements at detalye, mangyaring basahin ang official announcement.

STAY TUNED Kamay-Ari!
Abangan ang mga susunod na updates at announcements tungkol sa ating Noche Buena Package.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa, mga Kamay-ari!

Kamay-Ari Spotlight: Meet the Team! Kilalanin natin ang isa sa ating mga masisipag, inspirado, at tapat na Kamay-Ari at ...
14/10/2026

Kamay-Ari Spotlight: Meet the Team!

Kilalanin natin ang isa sa ating mga masisipag, inspirado, at tapat na Kamay-Ari at Kawani sa ating kooperatiba.

G. John Paul G. Delos Reyes
Branch Manager - Lawa Office
Kamay-Ari mula May 31, 2007

Para kay Sir Jepp, isang malaking pasasalamat ang balik-tanawin ang kanyang paglalakbay mula sa pagiging simpleng Kamay-ari noong 2007 hanggang sa mabiyayang pagkakataong makapaglingkod bilang Branch Manager mula 2013 hanggang ngayon. Sa loob ng dalawang dekada ng kanyang pagiging kasapi at higit isang dekada sa pamamahala ng sangay, naging saksi siya sa bawat yugto ng paglago at pagtagumpay ng kooperatiba.

Ayon sa kanya, ang tunay na lakas ng ating kooperatiba ay hindi lamang nasusukat sa mga numero o gusali, kundi ang tunay nating pundasyon ay IKAW, ang bawat Kamay-ari na patuloy na nagtitiwala, nag-iimpok, at nakikiisa. Ipinagmamalaki niyang patunayan na "kapag may pagtutulungan, walang pangarap na masyadong mataas," maging ito man ay sa pagpapatayo ng tahanan, pag-aaral ng mga anak, o pagpapalago ng negosyo. Ipinapangako niya ang patuloy na paglilingkod na may "integrity, compassion, and excellence" upang higit na maging kaagapay ng bawat isa sa bawat yugto ng kanilang buhay.

Taos-puso ang kanyang pasasalamat at dedikasyon sa ating buong samahan. Maraming salamat, Sir Jepp, sa iyong walang sawang pagtitiwala at suporta bilang tapat na kawani at kamay-ari. Ang iyong kuwento ay patunay na hangga't bitbit natin ang diwa ng damayan at pagmamalasakit, "Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat!"

Isang Kooperatiba. Isang Pamilya. Mabuhay ang Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative! Together We Grow!

Narito ang Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative na laging handang maging katuwang ng bawat Kamay-Ari at Kawani sa bawat pangarap, pangangailangan, at laban ng buhay.

On behalf of the Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative, gusto naming ipaabot ang aming heartfelt thanks sa Bulacan Co...
14/10/2026

On behalf of the Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative, gusto naming ipaabot ang aming heartfelt thanks sa Bulacan Cooperative Hall of Fame League Union (BCHFLU) for this great seminar. We highly appreciate our Resource Speaker, Dr. Ma Socorro Bartolome, DBA, sa pagbabahagi ng kanyang wisdom and expertise sa seminar na “Managing Credit and Collection Risks in Cooperatives” sa Manatal Coop, Pandi, Bulacan.

Isang malaking realization para sa aming mga taga- Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative: ang tunay na tagumpay ng coop ay hindi natatapos sa lending. Nakasalalay ito sa responsible management ng pondo, compassionate na paglilingkod, at pag-iingat sa trust na ibinigay sa atin ng mga miyembro.

More power sa ating lahat! Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pakikiisa, at dedikasyon sa kilusang kooperatiba.

Address

Lawa
Obando
3021

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 11am

Telephone

2943163, 2944233

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative:

Shortcuts

Share

Category