19/01/2026
EXTENDED ‼️
𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐦𝐢𝐭 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥, 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Extended ang deadline ng assessment at pagbabayad ng business taxes kaugnay ng 2026 business permit renewal hanggang sa January 31, 2026, alinsunod sa Pasig City Resolution No. 6-12, s. 2026.
Hindi mapapatawan ng penalties at surcharges (applicable lamang sa mga negosyo na walang delinquencies) ang mga negosyo na magbabayad sa loob ng extension period. Samantala, hindi na covered sa extension period ang pagbibigay ng 5% discount sa business tax.
Kaugnay ng extension, bubuksang muli ang Online Business Permit Renewal and Payment System. Kaya para sa mga negosyo na updated ang accounts o walang delinquencies, maaari nang muli mag-renew ng permits sa pamamagitan ng Online System.
Nananatiling nasa Silver City 4 ang Mega Business One-Stop Shop para sa Business Renewal period. Para sa priority taxpayers (mga may-ari ng negosyo na senior citizens, persons with disability, at mga nagdadalang tao), maaaring mag-transact sa alinman sa mga sumusunod na transaction sites:
• Temporary Pasig City Hall (1/F)
• Pasig City Hall Annex 1 (3/F Ayala Malls The 30th)
• Pasig City Hall Annex 2 (3/F Robinsons Metro East)
Samantala, ang Mutya ng Pasig Mega Market renewal site ay para lamang sa mga rehistradong stall owners ng Mutya ng Pasig Mega Market.
Epektibo pa rin ang sumusunod na operating hours hanggang sa January 31, 2026:
- Monday to Friday – 8:00 AM to 5:00 PM
- Saturday – 8:00 AM to 3:00 PM