11/01/2026
Kapag tapos na ang bayad sa VUL, wala nang charges.
Wrong!
Isa ito sa mga pinaka-karaniwang misunderstanding sa VUL.
Ang iniisip ng marami,
kapag natapos na ang premium paying period
halimbawa 10 years o 15 years,
tapos na rin lahat ng bayarin.
Parang fully paid na bahay.
Wala nang lalabas na gastos.
Pero hindi ganun nagwo-work yun.
Sa VUL, may dalawang magkaibang bagay na madalas napagkakamalang iisa.
Premium payment at insurance charges.
Yung premium payment,
yun ang hinuhulog mo during the paying years.
Kapag natapos na yun,
tapos ka na sa paglalabas ng premium.
Pero yung insurance charges,
hindi sila nawawala.
Ang cost of insurance ay binabayaran hanggat may insurance coverage ang policy.
At ang coverage sa VUL ay kadalasan until age 88, 99, o 100.
So kahit tapos ka na magbayad ng premium,
tuloy pa rin ang charges.
Ang kaibahan lang,
hindi na siya kinukuha sa bulsa mo.
Kinukuha na siya sa fund value.
Dito pumapasok ang role ng investment component ng VUL.
Hindi siya nilagay para yumaman ka.
Nilagay siya para magsilbing insurance fund.
Diyan ibinabawas ang cost of insurance.
Diyan kinukuha ang admin charges.
Para magpatuloy ang policy kahit wala ka nang hinuhulog na premium.
Kaya kapag sinabing
โfully paid na ang VUL,โ
ang ibig lang sabihin nun ay
fully paid na ang premiums,
hindi fully paid ang insurance.
At habang tumatanda ang insured,
tumataas din ang cost of insurance.
Mas risky ka na i-cover.
Mas mahal na ang charges.
Kaya mahalagang i-assess kung sapat ba ang fund value
para saluhin ang tumataas na charges in the future.
Kung sapat,
tuloy ang policy.
Kung hindi,
posibleng maubos ang fund value
at mag-lapse ang insurance
kahit matagal ka nang tapos magbayad.
Hindi ito mali.
Hindi rin ito panlilinlang.
Ganito talaga ang structure ng VUL.
Kaya kapag kukuha ng VUL,
hindi lang tanong kung hanggang kailan ka magbabayad,
kundi kung hanggang kailan kayang buhayin ng fund value
ang insurance mo.
Doon nagiging malinaw
kung gumagana ba ang plano
o kailangan ng adjustments.