05/11/2019
IMPULSIVE BUYER ka ba?
Yung kung ano ang gustong makitang bilhin ay hindi nag-aatubili kahit na magkandalubog- lubog sa utang sa credit card? Karamihan sa impulsive buyers ay mga taong hindi kayang kontrolin ang paggastos dahil inisip nila na makakapagbayad naman sila dahil mayroon silang trabaho at inaasahang pera na matatanggap.
Paano maiiwasang mabaon sa utang dahil sa maling paraan nang
paggastos at impulsive buying?
Kontrolin ang sarili at huwag maging pabigla-bigla sa paggastos. Kung pwedeng itanong muna sa sarili ng sampung beses kung "Kailangan ko ba talaga ito o kapritso ko lang ito?" Tandaan na magka-iba ang ating Needs at Wants. Baka naman kaya tayo nababaon sa utang dahil puro mga wants ang ating binibili kahit na mabubuhay naman tayo kahit wala ang mga ito? Pag-aralang mabuti ang ating spending patterns at itama ito habang may panahon pa. Dahil kung hindi natin ito aayusin ay tiyak na malulubog tayo sa utang dahil sa maling paraan ng ating paggastos.