18/08/2026
QCitizens, narito ang mga regular at special non-working holiday para sa buwan ng Agosto 2026.
Sa bisa ng Republic Act No. 6741, idineklarang special non-working holiday sa Quezon City tuwing August 19 bilang paggunita sa kaarawan ni dating pangulong Manuel L. Quezon.
(Basahin ang RA 6741 dito:
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1989/08aug/19890804-RA-6741-CCA.pdf)
Special non-working holiday din sa August 21, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, alinsunod sa Republic Act No. 9256.
(Basahin ang RA 9256 dito: https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/2/275)
Alinsunod naman sa Republic Act No. 9492, ipinagdiriwang tuwing huling Lunes ng Agosto ang National Heroes' Day, na matatapat sa August 31 ngayong taon.
(Basahin ang RA 9492 dito: https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/2/8424)
Narito ang Proclamation No. 1006 para sa listahan ng regular holidays at special non-working days sa taong 2026:https://pco.gov.ph/wp-content/uploads/2025/09/20250903-PROC-1006-FRM.pdf.pdf
Paalala ng Quezon City Government ngayong maulan, manatili sa bahay para sa inyong kaligtasan, o mag-ingat sakaling lalabas o bibiyahe sa kalsada.