15/07/2026
My 5th Seafarer Client Insured! ⚓💙
It is truly a blessing and a great opportunity to help protect another hardworking Filipino seafarer.
Alam naman natin na hindi madali ang maging seaman. Araw-araw, sinusugal nila ang kanilang kaligtasan habang nagtatrabaho sa gitna ng dagat, malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang kanilang pinakamahalagang puhunan ay ang kanilang kalusugan dahil ito ang susi para manatiling qualified sa kanilang trabaho.
Pero paano kung dumating ang hindi inaasahan? Paano kung magkasakit, maaksidente, o magkaroon ng kondisyon na hindi na makapaglayag? Paano na ang pamilya na umaasa sa kanilang kita?
Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Life and Health Insurance. Hindi nito mapipigilan ang mga hindi inaasahang pangyayari, pero maaari nitong mabawasan ang pinansyal na epekto nito sa ating pamilya.
✔️ Income protection kapag hindi na makapagtrabaho.
✔️ Financial support sa panahon ng pagkakasakit o iba pang covered events.
✔️ Security for your loved ones.
✔️ At depende sa plan, may pagkakataon pang makapag-ipon para sa future at retirement.
Ang insurance ay isang paraan ng paglilipat ng financial risk sa insurance company upang hindi tayo o ang ating pamilya ang magdala ng buong bigat ng gastos kapag may hindi inaasahang nangyari.
Maraming salamat sa tiwala sa akin bilang inyong Financial Advisor. Isa itong responsibilidad na lagi kong pinahahalagahan.
Kung gusto mong malaman kung paano mo mapoprotektahan ang iyong income, ang iyong pamilya, at ang iyong kinabukasan, feel free to send me a message. I'd be happy to set a convenient appointment and help you explore the options that best fit your needs. 😊