06/07/2026
Bka 50M? Open po office namin, ma'am.
๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฏ๐ฑ:
โ๐๐ฒ๐น๐น๐ผ, ๐๐๐ฅ! ๐จ๐บ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ผ๐๐ณ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด โฑ๐ฐ๐ญ๐ , ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ๐ด ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ. ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ฒ (๐ฑ๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป) ๐ธ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ. ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ป๐ผ๐ฟโ๐ ๐๐ฎ๐
๐ฏ๐ฎ ๐๐๐ป?โ
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป:
Opo, may Donor's Tax iyon. Ayon sa RMC 10-2026 (inilabas noong February 2026 para sa mga purely cash donations), ang batayan para ma-exempt ang cash ay kung ang kabuuang halaga nito ay hindi hihigit sa โฑ250,000 sa loob ng isang taon. Dahil โฑ41,000,000 ang halaga ng cash na sangkot sa iyong sitwasyon, awtomatikong may donor's tax ang halagang lumampas sa limitasyon.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ผ๐ฟ'๐ ๐ง๐ฎ๐
(๐ง๐ฎ๐
๐๐ผ๐ฑ๐ฒ)
Kapag ang isang nagpautang ay kusang-loob na pinatawad ang utang nang walang anumang kapalit, itinuturing itong isang "indirect donation" o donasyon na napapailalim sa donor's tax:
โข Section 98 (Imposition of Tax): Sinasaad nito na ang buwis ay ipapataw sa paglilipat ng ari-arian sa pamamagitan ng regalo (gift) ng sinumang tao. Sakop nito ang lahat ng uri ng regalo, maging ito ay direkta o hindi direkta (indirect), at maging ang ari-arian ay real o personal property, may pisikal na anyo (tangible), o walang pisikal na anyo (intangible).
โข Section 99 (Rate of Tax): Nagtatakda na ang donorโs tax sa bawat kalendaryong taon ay may flat rate na anim na porsyento (6%) batay sa kabuuang net gifts na lumampas sa โฑ250,000.
๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐
๐ฒ๐บ๐ฝ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ต ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป?
Ang cash donation ay maaari lamang maging exempt sa donor's tax kung ang makakatanggap (donee) ay ang mga sumusunod na kuwalipikadong institusyon sa ilalim ng Section 101 ng Tax Code:
โข Pamahalaan: Ang Gobyerno ng Pilipinas o anumang ahensya nito na ginawa hindi para kumita o ng anumang political subdivision ng Gobyerno;
โข Edukasyon, Relihiyon, o Kawanggawa: Mga non-profit educational, charitable, o religious institutions na rehistrado sa BIR at PCNC, kung saan hindi hihigit sa 30% ng donasyon ang gagamitin para sa administrasyon.
Source:
RMC 10-2026:https://bir-cdn.bir.gov.ph/BIR/pdf/RMC%20No.%2010-2026.pdf