11/10/2022
Insurance Policy
"Gastos para sa iba, Achievement naman kung ituring ng karamhinan"
Gastos talaga ang pagkakaroon ng insurance policy, syempre hindi ito libre. Pero ito yung gastos na may balik.
Achievement naman para sa karamihan, baket?
Tulad ng pagbili ng bahay, kotse, magandang cellphone, travel, etc., pinaghirapan ng isang tao ang pagkuha ng insurance.
Pero san mo ba pwedeng gamitin ang insurance?
Sa buhay ng isang tao merong apat na stages:
1. Getting Started "Building confidence and independence"
- ito yung mga mga taong nagsisimula palang magtrabaho o kumita ng pera, ito rin yung tamang oras para magplano kung saan natin dapat gamitin ang pinaghirapang pera.
- Having an insurance at this early stage in life creates a habit of saving/investing.
2. Moving Up "Prioritizing Family Above All"
- Dito papasok yung pag paplanong ginawa mo during your early stage in life (Getting Started). Mas malaki ang magiging expense kumpara nung una. Kung dati pa ambag ambag lang tayo sa bahay, this time sagot mo na lahat, which means mas mahirap ng magipon o maginvest.
- Mga posibleng madagdag sa ating expense ay utilies (kuryente + Tubig + Internet), renta ng apartment o kaya naman ay monthly sa pagibig/banko, groceries, etc. Kung meron ka namang anak ay may karagdagang tuition, allowance, miscellaneous, etc.
3. Preparing Ahead "Nurturing health and wealth"
- Ito yung estado ng buhay na kailangan mong protektahan kung ano ang meron ka, tulad ng bahay, kotse, business, etc. pano?
Bukod sa savings pwede mo din gamitin ang iyong insurance para pambayad pag dating ng sakuna. Hindi yung tipong mabebenta pa ang lahat ng pinaghirapan mo.
4. Leaving a Legacy "Ensuring Lasting Golden Years"
- Dito papasok ang retirement at estate planning, sa mga panahong ito baka umasa nalang tayo sa pension dahil hindi na tayo makapagtrabaho. Bukod sa pension na pwede mong makuha sa gobyerno, meron kang aasahan na retirement fund na matagal mo ng sinimulan.
Mahirap magsimula oo, pero baka kulang lang naman sa plano.
Kung kailangan mo ng katulong magplano, usap tayo.