28/02/2021
ADULTING 101: Never be too lazy in building a legacy.
Reflect on this first theoretical question:
Kapag malapit ka nang bumalik sa piling ni Lord, ano ang mas gusto mo—ang pag-agawan o ang pagpasa-pasahan?
This is very common. Dalawa lang naman kasi talaga ang pwede nating maranasan when “our time” comes nearer. 1. It’s either pag-aagawan tayo ng mga kamag-anak natin kasi alam nilang may maiiwan tayo sa kanila kapag wala na tayo, na madalas ay nakapende sa kung paano ang naging trato nila sa atin. 2. Or pagpapasa-pasahan tayo kasi wala naman silang mapapala sa atin, maliban sa pagiging dagdag sa mga gastusin nila (unless nabiyayaan tayo ng mababait na kaanak). Both are sad truths, but that’s the reality. You choose!
Reflect on this second theoretical question:
Kapag nakabalik ka na sa piling ni Lord—sino ang mas gusto mong maka-transact ng mga kamag-anak mo—ang mga naniningil ng tax o yung agent ng insurer mo?
Estate taxes. Akalain mong may babayarin pa rin pala tayong buwis kahit na wala na tayo sa mundong ibabaw. The good thing is, if we opted to be insured nung malakas at kaya pa nating kumayod, o kung nag-ipon na tayo nung kabataan pa lang natin, most probably ay wala na tayong poproblemahin. Ito rin kasi yung panahon na yung lifetime financial advisor natin ay may dalang good news! May dala siyang tseke (check) sagot sa mga usaping-pinansyal ng naiwan nating mga mahal sa buhay. Syempre mas gusto nating lahat yung pangalawa, diba? Nakakahiya naman kung mga gastusin o 'di kaya ay utang ang mamanahin ng mga mauulila natin.
Well, awkward kapag pinag-uusapan ang ganitong topics but that's how life works e. Lahat naman kasi tayo ay darating sa puntong iyon. Yun nga lang, hindi lahat ay pare-pareho ng iiwang legasiya or worse, kung may maiiwan bang legacy.
At any point in time, ang tanong...handa ka ba?