10/02/2022
3 Magkakaibigan: Nagpapayabangan sa burol ng kanilang matalik na kaibigan na si Kiko.
Pareng Mike (Restaurant Owner): Nakakahinayang itong si Pareng Kiko, kabait na tao. Kababata pa ng mga anak, kalakas-lakas pa, sino mag aakala na mauuna pa sa atin ano? Diba active pa ito sa healthy activities? Di nga yan nasama sa gimmick natin! Naaalala ko lang na sa tuwing napunta sya sa restau ko eh ako mismo nagpprepare ng food niya at ng pamilya nya, discounted pa!
Pareng Philip (May-ari ng construction supplies/hardware): Mahina ka pala Pre! Alam nyo mga Pre, nung nagpapagawa ng bahay yang tropa natin na si Kiko, ako ang nagprovide ng materyales sa bahay nila, umabot ata ng 3M ang binayaran nya sa akin. Presyong tropa ang bigay ko sa kanya halos nakatipid sya ng mga 20% siguro.
Pareng Arvin (Isang lawyer): Aba ayos ka talaga Pre ah! Sa akin naman, lahat ng legal advice at anoman usapin sa batas, sagot ko yang si Pareng Kiko. Exclusive ang rates na binibigay ko sa kanya. Tropa eh!
Pareng Simon: Walang kibo. Walang salita.
Nakikinig lang sa kwentuhan ng tatlo niyang kaibigan. Maya maya, tumayo siya sa kanyang kinauupuan. lumapit sya sa misis ni kiko. Humagulhul ng iyak ang misis ni kiko matapos makita ang inabot na sobre sa kanya. Dahan-dahang umalis si Simon na may pagdadalamhati na maaaninag sa kanyang mukha.
Sobrang curious ang tatlong kaibigan ni Kiko kaya lumapit sila sa misis ng kanilang tropa, sabay tanong.
Kumare, ano ang inabot sa iyo ni Pareng Simon at bakit bigla ka humagulhol ng iyak? Pinagbantaan ka ba nya? O di naman kaya sinisingil sa utang ni Kiko sa kanya? Ano ba yung laman ng sobre na inabot niya sa iyo?
Marites (Asawa ni Kiko): Di ko akalain, sa ganitong punto ng buhay namin, makakasumpong ako ng malaking tulong mula kay Simon. Inabot niya sa akin ang check na nagkakahalaga ng P10M. INSURANCE AGENT nga pala siya ni Kiko.
***********************************************
Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang mga kaibigan. Masaya ang may kaibigan na business owners, lawyers, accountants, doctors, etc Pero wag sana kakalimutan na higit na maganda kung mayroon ka ding kaibigan na isang INSURANCE AGENT. Upang kapag dumating ang hindi inaasahan, mayroon kang maaasahan.
ctto