27/03/2026
Imagine mo…
Dumating ka na ng 60’s. Retired ka na.
Nakapag-ipon ka para sa retirement years mo
Naka-prepare ang healthcare fund mo, walang problema sa hospital bills
Tapos tumatanggap ka rin ng interest sa investments mo
Nakapundar ka ng mga property, apartment man o mga lupa sa probinsiya
In short, financially prepared ka “bago dumating sa oras na hindi ka na makakapagwork”
Would it be nice?
Would it be nice na hindi mo sasabihin sa anak mo na “Anak, baka pwede mo ako bigyan ng pera…”
Would it be nice na ‘yung kinikita ng anak mo, hindi mo kailangan makihati? Para mas makapag-ipon siya ng maaga?
Kaya mong itigil ang sandwich generation sa pamilya ninyo. Kaya mo kung gugustuhin.
Mahirap mag-ipon. Pero mas mahirap ang walang ipon.
Kaya oo. Sulit po ang pag-invest mo at paghahanda sa mga insurance, healthcare at investment na sininulan at sisimulan mo.
Hindi mo man naa-appreciate ngayon ‘yan, one day...
Masasabi mo na lang “BUTI NAGHANDA AKO.”