31/08/2026
Minsan, iniisip natin na ang life insurance ay para lang sa death benefit.
Pero through my own experience, mas na-realize ko kung gaano kahalaga na maintindihan natin kung ano talaga ang coverage at benefits ng policy na meron tayo.
Hindi ko ito sine-share para magbenta, but to raise awareness. Hindi natin alam kung kailan natin kakailanganin ng financial protection, kaya habang may opportunity tayong mag-prepare, mas okay na naiintindihan natin kung ano ang meron tayo at kung paano ito makakatulong sa atin.
Being prepared can make a big difference, especially when unexpected things happen. 🩵
All glory to God for His provision! 🙏🏻
AYOKO NG LIFE INSURANCE—HINDI PA NAMAN AKO MAMAMATAY.
Eight years ago, ganito rin ang mindset ko.
Buti na lang, nag-seminar at nag-exam ako para maging financial advisor. Doon ko mas naintindihan na ang life insurance ay hindi lang pala para kapag namatay tayo. May mga living benefits din, depende sa plan na kinuha mo.
I’m sharing this to raise awareness, based din po sa sarili kong experience.
Praise God, dalawang life insurance ang kinuha ko noon.
Pareho silang may Critical Illness Benefit, Hospital Benefit, at Premium Waiver.
Ano ang Critical Illness Benefit?
Kapag na-diagnose ka ng covered critical illness—sa case ko, cancer—puwede kang mag-claim ng benefit. Ang amount ay depende sa plan at coverage na kinuha mo.
Sa dalawang life insurance policies ko, nakakuha ako ng 600,000 pesos bawat isa, or 1.2 million pesos combined.
Malaking tulong sa akin iyon, lalo na noong nag-undergo ako ng chemotherapy at iba pang treatments.
And because complete ang documents ko from my hospital and doctors, within three weeks, na-process at natanggap ko na ang claim, at nadeposit na sa bank account ko.
Ano naman ang Premium Waiver?
Ito yung benefit kung saan maaaring ma-waive ang future premium payments kapag natugunan ang conditions na nakalagay sa policy.
Paano naman ang Hospital Benefit?
Kapag na-admit ka sa hospital at covered ng policy mo, maaari kang makatanggap ng financial benefit, depende sa terms and conditions ng plan.
May Total Disability Benefit din sa policy ko, which may provide a benefit kapag natugunan ang definition at requirements ng covered disability.
And of course, may Death Benefit din.
Kapag namatay ang insured, may matatanggap na benefit ang mga beneficiaries na nakalagay sa policy—usually family members or loved ones.
May fund/investment component din ang policy ko.
Hindi siya literal na stock, pero may fund value na connected sa investment fund na pinili sa policy. Sa account ko, makikita ko ang current fund value at may options tulad ng Switch Fund, Withdraw Fund, at Allocate Fund.
Kaya kapag kukuha kayo ng insurance, hindi lang death benefit ang tingnan. Alamin din ninyo kung ano ang critical illness coverage, hospital benefits, disability benefits, premium waiver, at fund/investment component ng plan.
Another tip: check if the plan has multiple-claim benefits.
May mga plans na nagbibigay ng possibility na makapag-claim more than once for qualifying critical illnesses. Pero depende ito sa policy—may specific conditions, limits, waiting periods, at requirements.
So ask your financial advisor about it before getting a plan.
At isa pa sa natutunan ko:
Mas bata, mas okay pag pinag-iisipan ang insurance.
Generally, mas mababa ang premium kapag mas bata at mas healthy ka pa. Kapag may existing medical condition or diagnosis ka na, puwedeng maging mas mahirap ang approval, mas mataas ang premium, or magkaroon ng exclusions or limitations, depende sa assessment ng insurance company.
Kaya huwag nating hintayin na may mangyari muna bago natin isipin ang financial protection.
And please, humanap kayo ng financial advisor na trusted.
Hindi lang yung magaling mag-explain kapag kukuha ka pa lang ng policy.
Hanapin mo yung advisor na aalalayan ka rin kapag dumating ang panahon na kailangan mong mag-claim.
Yung hindi ka iiwan pagkatapos mong makapagbayad.
Because honestly, kapag dumating na yung panahon na kailangan mo ang insurance, malaking bagay na may taong marunong gumabay sa’yo.
Hindi ito dahil iniisip nating mamamatay tayo.
It’s about being prepared while we’re still alive.
Hindi natin alam kung kailan natin kakailanganin ang financial protection.
Pero kapag dumating ang panahon na kailangan natin ito, malaking bagay na may napaghandaan tayo.
Sharing this because this is what happened to me—not because I’m selling anything. 🩵
Thank You, Lord—for always providing for my needs. All glory to God! 🙌🏻